Outfit ni Anne Curtis, trending dahil sa pagkakahawig nito sa uniporme ng sikat na fast food chain sa bansa

Isa si TV actress-model Anne Curtis sa mga ‘most-followed’ celebrity fashionista sa social media. Kamakailan ay nag-trending na naman ang bonggang outfit ni Anne matapos mapansin ng maraming netizen na may pagkakahawig ito sa uniporme ng sikat na Pinoy fast food chain na “Jollibee”.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Anne ang isang larawan kung saan makikita siyang uma-awra suot ang isang Louis Vuitton outfit.

Credit: Anne Curtis Instagram

Ani Anne sa caption, “Game Face on. #GameOn #LVCruise @louisvuitton”

Bukod nga sa ganda ng damit na kanyang suot ay may isa pang napansin ang mga netizen sa outfit ni Anne.

Ito ay ang kombinasyon ng mga kulay ng damit na anila, may pagkakahawig umano sa uniporme ng mga service crew ng nasabing fast food chain.

Kung ang uniporme umano ng Jollibee ay simple lamang, ang suot naman daw ng aktres ay ‘sosyal’ at ‘mamahalin’ ang dating.

Credit: Anne Curtis Instagram

Tila umano pinaganda ang uniporme ng nasabing fast food chain ng Louis Vuitton at ang resulta nga ay ang suot ni Anne.

Komento pa ng netizens na akala umano nila na endorsement ng Jollibee ang larawan na ipinost ni Anne.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Anne ang brand ambassador ng Jollibee.

Gayunpaman, sa kabila ng iba`t ibang mga komento na nakuha ng kanyang outfit, nakatanggap pa rin ng marami papuri si Anne dahil sa kanyang kagandahan. Narito ang ilang komento ng netizens:

Credit: Anne Curtis Instagram

“Looks like an upgrade Uniform for Jollibee service crew. Lol”

“Akala ko endorsement niya ng jollibee…LV pala”

“Parang Jollibee uniform ang color combinations hehehe still beautiful as always”

“Kala ko sa Jollibee kasi endorser din si Anne dun Ganda”

“yung crew ka ng Jollibee pero endorser ka ng LV Love you ate @annecurtissmith”

Credit: Anne Curtis Instagram

Sa panahon na isinusulat ang artikulong ito ay umani naman ang larawan ni Anne ng mahigit 200K likes sa Instagram.

Samantala, kamakailan lamang ay inilunsad naman ni Anne at ng ilan niyang kaibigan at business partner ang kanilang activewear clothing line na “Recess”.

Sa isa niyang Instagram post sinabi ni Anne na hindi lamang silang isang ‘activewear’ brand kundi isa ring ‘life-intervention-wear’ na nagbibigay ng ’empowerment’ sa lahat ng mga galaw.

Credit: Anne Curtis Instagram

Ani Anne, “Recess empowers all movement. Sure, we’re activewear. But we’re also life-intervention-wear. We’re what you wear when you need to be good to you, when you need to take a moment for yourself to Recess — physically, mentally, emotionally, et ceterally”

Sa kasalukuyan ay nasa Melbourne, Australia pa rin si Anne mula pa noong December 2019 kasama ang kanyang asawang si Erwan Heaussaff at ang kanilang unang anak na si Dahlia Amèlie.

The post Outfit ni Anne Curtis, trending dahil sa pagkakahawig nito sa uniporme ng sikat na fast food chain sa bansa appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments