Boyfriend ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo, sumisid ng 14 na metro sa ilalim ng dagat na walang suporta ng isang breathing apparatus

Kamakailan ay nagbakasyon ang aktres na si Andi Eigennman kasama ang kanyang partner na si professional surfer Philmar Alipayo pati ang kanyang dalawang anak na sina Ellie at Lilo sa isang beach resort sa Batangas.

Sa kanilang bakasyon nga ay kumuha ng diving classes sina Andi, Philmar at Ellie. Kung sina Andi at Ellie ay mga baguhan pa lamang sa pagda-dive, pinatunayan naman ni Philmar ang kanyang husay sa nasabing underwater sport.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Marami ang namangha kay Philmar matapos siyang sumisid ng 14 na metro sa ilalim ng dagat na walang suporta ng isang breathing apparatus.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni Philmar ang ilan niyang nakakamanghang larawan na kuha habang nasa ilalim siya ng dagat.

Aniya sa caption ng kanyang Instagram post, “Dove 14 meters under Yesterday”

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Sa kabila ng lalim ng kanyang sinisid ay kapansin-pansin ang pagiging kalmado ni Philmar habang nasa ilalim ng dagat. Pinatunayan lamang ni Philmar na mataas ang kanyang lung capacity.

Sa mundo ng ‘diving’, tinatawag na freediving ang ginawa ni Philmar kung saan ay ginagawa lamang ng mga professional diver.

Kapag ang tao ay nagfre-freedive kinakailangan ay mataas ang kanyang ‘lung capacity’ o ang kanyang kapasidad na pigilan ang kanyang paghinga sa ilalim ng tubig.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

Dahil sa ipinakita ni Philmar ay muli na namn niyang pinahanga ang mga netizen. Sa comment section ng kanyang Instagram post, maraming netizens napa-‘wow’ sa husay ni Philmar sa pagdi-dive.

May ilang netizen din ang napapa-‘sana all’ na lamang sa lalim ng hininga at pagiging ‘chill’ ni Philmar habang nasa ilalim ng dagat.

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Kamakailan lamang din nang ibinunyag ni Andi ang kasarian ng kanyang ipinagbubuntis. Matatandaang August ngayong taon ay inanunsyo ni Andi na siya ay buntis sa ikatlo niyang anak at pangalawang anak nila ni Philmar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Philmar Alipayo (@chepoxz)

At nitong December 13 nga ay masaya niyang inanunsyo sa kanilang ‘gender reveal’ vlog na lalaki ang kasarian ng kanyang ipinagbubuntis.

Ani Andi sa vlog, “I’m so excited for this gender reveal. We really have been looking forward to this and planning the supposed reveal on the island. But of course, we’re here and there’s been a change of plans, we just decided to at least wait for Philmar to arrive so that Ellie and Philmar and Lilo can enjoy and find out together.”

Credit: Philmar Alipayo Instagram

Noong 2019 ay ipinanganak ni Andi ang unang anak nila ni Philmar na si Lilo.

Taong 2011 naman nang isilang ni Andi ang kanyang unang anak na si Ellie sa kanyang dating kasintahan na si Jake Ejercito.

The post Boyfriend ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo, sumisid ng 14 na metro sa ilalim ng dagat na walang suporta ng isang breathing apparatus appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments