Jimuel Pacquiao, may bago na raw na idini-date na artista!

May bago na bang nagpapatibok sa puso ng panganay na anak ni Senator Manny Pacquiao na si Emmanuel “Jimuel” Pacquiao?

Credit: @arabelladelro Twitter 

Maraming espekulasyon ang lumabas na idini-date umano ni Jimuel ang kapwa niya Star Magic talent na si Arabella del Rosario.

Nag-ugat ang espekulasyong nagdi-date ang dalawa matapos i-retweet ni Jimuel ang mga ipinost na larawan ni Arabella sa Twitter.

Credit: @arabelladelro Instagram

Pagkatapos nito ay nag-post na naman si Jimuel ng mga larawan ni Arabella na may caption na, “Hi @arabelladelro”. Batay sa anggulo ng mga larawan, mukhang si Jimuel ang kumuha ng mga ito. Tila magkasama at nag-date ang dalawang Kapamilya star.

Mas lalong umingay ang mga espekulasyon na nagdi-date nga ang dalawa nang i-post ni Arabella noong December 21 ang larawan nila ni Jimuel na magkahawak ang kamay sa loob ng sasakyan nito.

Credit: @EmmanuelpacJr Twitter

Sa isang larawan, makikita naman si Jimuel na umaaktong hahalikan ang kamay ni Arabella.
Caption ni Arabella sa mga larawan, “Hi @EmmanuelpacJr”

Sa ngayon, ay wala pa ring pahayag na inilabas ang dalawang Star Magic talent tungkol sa tunay nilang relasyon. Parehong single ang dalawa at magka-edad pa.

Matatandaang ang huling nakarelasyon ni Jimuel ay ang kapwa niya rin Star Magic talent na si Heaven Peralejo.

Credit: @arabelladelro Twitter

Noong magkasintahan pa ang dalawa ay maraming isyu ang iniugnay kay Heaven. Isa na rito ay ang pakikipagrelasyon umano ni Heaven kay Jimuel dahil lamang sa pera ng pamilya nito.

Mahigit isang taon na mula nang maghiwalay sina Jimuel at Heaven. Hindi naman sinabi nina Jimuel at Heaven ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Noong nakaraang taon sa panayam ni Jimuel sa host na si Boy Abunda sa programa nitong “Tonight With Boy Abunda”, inamin niya na naging mahirap para sa kanya ang paghihiwalay nila ni Heaven.

Credit: @pacquiao.emmanuel Instagram

Ani Jimuel, “It was really tough. The way we ended the first time, it was really tough. Kasi po parang may galit po kasi doon sa first time, and parang hindi po maayos iyong maging breakup.”

Dagdag niya, “The second time around, it was a peaceful breakup.”

Nilinaw din ni Jimuel sa panayam na maayos na ang relasyon nila ni Heaven matapos ang kanilang paghihiwalay.

Aniya, “Sometimes we have shows outside and wala naman kaming problema sa isa’t isa.”

The post Jimuel Pacquiao, may bago na raw na idini-date na artista! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments