“I am POSITIVELY PREGNANT”: Miriam Quiambao, buntis sa ikalawang anak nila ni Ardy Roberto!

Positibong buntis si Miss Universe Philippines 1999 Miriam Quiambao sa ikalawang anak nila ng kanyang mister na si Ardy Roberto. Ito ang ibinalita ng mag-asawa sa isang vlog nitong December 30. Nakumpirma na ng mag-asawa na magkakaroon ulit sila ng anak bago pa man magpasko.

Credit: Miriam Quiambao TV YouTube 

Nagpapasalamat naman sina Miriam at Ardy dahil sa sorpresang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos bago magtapos ang taon. Sabi nila, matatapos ang kanilang taon nang masaya.

Simula ni Miriam, “Thank God kasi meron siyang naging surprise for us before Christmas actually.”

Patuloy ng beauty queen, “And we are now so excited to share with you the great news that…I’m POSITIVE! Not with v!rus, but I am POSITIVELY PREGNANT!”

Ipinakita ng mag-asawa ang mga larawan ng sonogram ng kanilang ikalawang anak.

Credit: Miriam Quiambao TV YouTube

Ikwenento ni Miriam na noong December 26, araw kung kailan nila kinunan ang vlog, ay nasa ikawalong linggo na siya ng kanyang pagbubuntis.

“Today, as of this recording (December 26), I am eight weeks and six days pregnant,” ani Miriam.

Ayon din sa mag-asawa, sa susunod na taon pa umano nila malalaman ang kasarian ng kanilang ikalawang anak.

“Spontaneous pregnancy” at isang “miracle”, ganito naman ilarawan ni Miriam ang kanyang pagbubuntis ngayong taon.

Credit: Miriam Quiambao TV YouTube

Ipinaliwanag ni Miriam na dahil sa kanyang edad kaya naman maliit nalang ang tsansa na magbubuntis pa siya.

“Another miracle ito. Imagine, 45 years old na ako, 1 to 2% chances again of getting pregnant. Tapos ito wala pang mga workups, spontaneous pregnancy siya,” ani Miriam.

Hangad din ni Ardy na sa pamamagitan ng pagbabahagi nila ng kanilang pregnancy story ay mahikayat nila ang lahat na huwag mawalan ng pag-asa.

Ani Ardy, “We just want to encourage everybody who’s down and out or just low on hope this 2020 not to give up hope. And whatever your dreams, whatever you’re praying for, there’s nothing really impossible with God.”

Si Miriam at Ardy ay kapwa author at inspirational speaker. Ikinasal sila noong 2014. Noong nakaraang 2019 naman ay dumating sa kanila ang kanilang unang anak na si Elijah.

The post “I am POSITIVELY PREGNANT”: Miriam Quiambao, buntis sa ikalawang anak nila ni Ardy Roberto! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments