Anak nina Bangs Garcia at Lloydi Birchmore na si Amelia, masayang nagdiwang ng ika-3 kaarawan sa isang amusement park sa United Kingdom

Tiniyak ng aktres na si Valerie “Bangs” Garcia at ng kanyang asawang si Lloydi Birchmore na gawing masaya ang ika-3 kaarawan ng kanilang panganay na anak na si Amelia.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram     

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na maraming benepisyo na nakukuha ang isang bata kapag ipinagdiriwang ng kanilang mga magulang ang kanilang kaarawan.

Isa sa mga ito ay nararamdaman ng isang bata na mahal sila at pinahahalagahan ng mga tao sa kanilang paligid. Kaya’t mahalaga na ipagdiwang ng mga magulang ang kaarawan ng kanilang mga anak.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Anila, hindi kailangan na maghanda ang mga magulang ng isang engrande o malaking birthday party para sa kanilang mga anak. Bukod kasi sa materyal na bagay, mas mahalaga na sa kanilang simpleng paraan ay maipadama nila sa kanilang anak na espesyal ang araw kung kailan siya isinilang.

Ngayong taon ay wala munang bonggang birthday party si Amelia hindi katulad noong mga nakaraan niyang birthday celebration.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Mapapanood sa video na ibinahagi ni Bangs sa kanyang YouTube channel kung paano nila ipinagdiwang ang kaarawan ni Amelia sa gitna ng p@ndemya.

Bawal pa rin ang mga malalaking pagtitipon kaya naman nagtungo nalang sina Bangs at ang kanyang pamilya sa “Paultons Park Home of Peppa Pig World”, isang amusement park sa United Kingdom.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Hindi masusuklian ang kasiyahan ni Amelia habang sumasakay ng mga ride sa nasabing amusement park.

Tuwang-tuwa rin ang napakagandang anak nina Bangs at Lloydi lalo na nang makita niya ang mga paborito niyang karakter mula sa British preschool animated television series na “Peppa Pig”.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Siyempre, bukod sa pagbisita sa amusement park, masaya rin si Amelia sa mga regalong ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang.

Para sa kanyang ika-3 Kaarawan, nakatanggap si Amelia ng maraming mga laruan at isang magandang bestida na unicorn-inspired ang desenyo.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

Tulad ng ibang mga magulang, naging emosyonal si Bangs matapos mapagtanto na ang kanyang panganay ay mabilis na lumalaki.

Credit: Valerie Garcia-Birchmore Instagram

“Amelia turns 3! It seems like only yesterday when I was holding Amelia for the first time in the hospital and now she’s 3 years old. Hope you enjoy her birthday vlog!” ani Bangs sa description ng kanyang vlog.

Si Bangs ay naninirahan ngayon sa United Kingdom matapos pakasalan si Lloydi, isang Filipino-British businessman, noong 2017.

Winelcome ng mag-asawa ang kanilang ikalawang anak na si Isabella nito lamang July 21.

The post Anak nina Bangs Garcia at Lloydi Birchmore na si Amelia, masayang nagdiwang ng ika-3 kaarawan sa isang amusement park sa United Kingdom appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments