Jessy Mendiola at Luis Manzano, magpapakasal na!

Handa nang ilagay sa next level nina celebrity couple Jessy Mendiola at Luis Manzano ang kanilang apat na taong relasyon.

Credit: Jessy Mendiola Instagram   

Masayang inihayag ng magkasintahan sa kani-kanilang mga social media account na sila ay engaged na.

Opisyal na inanunsyo nina Jessy at Luis sa kanilang Instagram account ang kanilang engagement nitong Sabado, December 12.

Makikita sa mga larawan na ipinost ng magkasintahan ang suot na diamond engagement ring ni Jessy.

Credit: Luis Manzano Instagram

Isang malaking “yes” ang isinulat ni Jessy sa kanyang Instagram post kalakip ng isang hashtag na “jessgotlucky”.

Base sa mga larawan na ibinahagi ng celebrity couple, nag-propose si Luis sa aktres sa tabing-dagat.
Nakadagdag naman sa romantic vibe ng proposal venue ang kalmadong dagat at napakagandang sunset.

Sa Instagram page ng professional photographer na si Pat Dy ay makikita ang ilan pang romantic photo nila Luis at Jessy kuha mula sa wedding proposal.

Credit: Pat Dy Instagram

Caption ni Pat sa isang larawan nina Luis at Jessy, “The [weather] forecast was rain, but not a single drop came for what Lucky was planning. We were rewarded with the most beautiful sunset.”

Ilang araw bago opisyal na inanunsyo nina Jessy at Luis ang kanilang engagement ay usap-usapan na sa mundo ng showbiz na ikakasal na nga ang mga ito.

Nitong mga nakaraang araw ay madalas mag-post si Jessy sa kanyang Instagram ng mga larawan kung saan ay makikita siyang may suot na isang diamond ring.

Credit: Pat Dy Instagram

Samantala, noon pa lamang ay hindi na itinatanggi ni Luis na mauuwi nga sa kasalan ang relasyon nila ni Jessy.

Sa isang artikulo na inilathala ng ABS-CBN News, sinabi ni Luis na isasa mga dahilan kaya hindi pa niya inaalok si Jessy na magpakasal noon ay dahil marami pa umano itong responsibilidad sa buhay.

Nirerespeto rin ni Luis na bata pa si Jessy kaya naman hindi niya ito minamadali. Sa mga hindi nakakaalam, 11 taon ang agwat ng edad nina Jessy at Luis.

Credit: Pat Dy Instagram

Ani Luis sa nasabing artikulo, “Para sa akin, I completely understand the fact that she still has so much responsibilities for herself, for her family, and I will never take that away from her. I respect her timetable the same way she respects my timetable.”

Dagdag niya, “But when she’s ready, I’m definitely right by her side. We’re definitely taking out time.”

Si Jessy at Luis ay naging magkasintahan noong Hunyo 25, 2016.

The post Jessy Mendiola at Luis Manzano, magpapakasal na! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments