Nanganak na ang aktres na si Sheena Halili noong December 12, sa isnag ospital sa Bonifacio Global City. Pinangalanan nila itong baby Martina kasama ng kanyang asawa na si Jeron Manzareno.
Napupuno ng tuwa at pasasalamat ang aktres dahil sa nakita na nila ang kanilang blessing mula kay God. Para sa isang pamilya, ang magkaroon ng panibagong anak ay isang biyaya na dapat ingatan.
“Hello anak! Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala na nahahawakan at nayayakap na kita. Maraming salamat Lord at healthy kaming dalawa,” sambit ng aktres.
Ipinahayag din nito ang kanyang pasasalamat sa mga tumulong at ang mga tao sa likod nitong panganganak.
“I would like to thank all the doctors and nurses that were part of my pregnancy journey. Most especially to my very maalagang OB, Dra. Marie Victoria Cruz-Javier. She was the reason why healthy at malakas ako sa pregnancy ko hanggang sa mag-push ako kagabi,” ito ang saad ng aktres.
Masayang masaya din ang kanyang asawa dahil ito ang kanilang first baby. Hindi mabilang ang tuwa nito nang makita si baby Martina. “I promise to hold your hand forever, Martina,” ito ang caption ng kanyang asawa na si Jeron.
Matatandaang ikinasal si Sheena at ang asawa niya na si Jeron noong February 23 ngayong taon sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Blue sa Quezon City.
Noong June 13, 2020, rineveal ng aktres na siya ay buntis na ng 13 weeks. Kaya marami ang natuwa dahil sa mayroon ng baby ang kanilang idolo. Ito ang iilan sa kanilang mga comments.
“Congratulations to both of you as a New Mommy and Daddy…welcome baby Martina…GOD bless your family”
“Congrats po..
View this post on Instagram
“Baby pa lng beautiful na talaga mana sa mommy.”
Congratulations! Bouncing baby girl! #pwerausog for sure pretty like her momma”
“Wow Ang cute Ng baby nyo…Congratulations Sheena halili and your husband…God bless !!”
The post Aktres na si Sheena Halili-Manzanero, isinilang na ang kanilang baby girl na si Martina Candice appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments