Napakahalaga ng isang ‘artista’ van para sa mga artista lalo na kapag palagi silang nasa labas upang mag-taping.
Madalas hindi na sila umuuwi sa kanilang bahay kaya naman nagsisilbing pangalawang tahanan na nila ang kanilang van kung saan ay pwede silang magbihis, magpahinga o matulog.
Isa sa mga artista na itinuturing ang kanilang van bilang kanilang tahanan ay ang actress-dancer na si Maja Salvador.
Kamakailan ay bumili ng bagong van si Maja na pinaka-customize niya upang maging artista van. Sa kanyang pinakabagong vlog, isang tour ang ginawa ni Maja kung saan ay ipinakita niya ang loob ng kanyang van na pinangalanan niyang “Ari”.
Ikwenento ni Maja na kaya siya bumili ng van ay dahil gusto niyang komportable siyang makakapagtrabaho.
Sabi ni Maja, “Since back to work na ako, nag-decide ako na dapat kumuha ako ng van para mas comfortable ako siyempre sa mga locations at kung saan-saan pa para mas makapagtrabaho tayo ng maigi, ‘di ba…Du’n sa dati kong van, sobrang daming gamit du’n. So ngayon, ganu’n din ang mangyayari dito kay Ari.”
‘Perfect’ din para kay Maja ang kanyang bagong van dahil sa laki nito ay kasya ang lahat ng kanyang mga gamit katulad ng kanyang mga sapatos, bags, damit at mga styling tool.
“‘Pag umaaalis ako, grabe ako magdala ng gamit. Sobrang laki ng dinadala kong bag ganyan. Pero ngayon, sobrang okay na may malaki akong sasakyan kasi nga nandu’n na lahat ng dinadala kong gamit,” kwento ni Maja.
Sa kanyang bagong artista van ay nagpalagay si Maja ng isang 32 inches SMART TV na ginagamit niya tuwing siya ay nanonood ng mga rehearsal video. Nagpa-install din si Maja ng window blinds at privacy glass.
“Sabi ko gusto ko ng privacy. Eh ‘pag kunwari siyempre chikadora ako ng taon so meron tayong privacy kay Ari…Hindi lang naman sa pag-chichika ko kundi ‘pag magbibihis kasi ako since nakakatayo ako dito,” paliwanag ni Maja kung bakit siya nagpalagay ng ‘privacy glass’.
Bukod dito, nagpalagay din si Maja ng drawers, charging outlet at pull-out table.
Multipurpose naman ang ‘Captain Chair’ ni Maja na mayroong heater at massage feature. Ipinaliwanag naman ni Maja kung bakit hindi siya nagpalagay ng kama sa kanyang bagong van.
Aniya, “Kasi ‘pag nasa work talaga ako bibihira ako matulog. Pero mas hindi talaga ako natutulog kasi nga, parang ‘pag matutulog ako bumababa ‘yung energy ko. Baka mamaya hindi ko pa magawa ‘yung mga eksenang need kong gawin. So as much as possible, kailangan gising ako.”
Sa huli saad ni Maja, “Masaya ako kasi siyempre ang van na ito ay parang another bahay ko na. First class na first class ‘yung pakiramdam…Talagang worth it kasi kahit gaano ka kapagod, ‘pag pumasok ako dito… mafi-feel at-home talaga ako.”
The post Silipin ang loob ng first class ‘artista van’ ni Maja Salvador na itinuturing niyang pangalawang tahanan appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments