Marami ang natuwa at excited na excited na sa magiging kasalan ng vlogger at artistang si Alex Gonzaga at politician na si Mikee Morada.
Isa din sila sa mga inabangan ng mga netizens at ng publiko sa kanilang dating stage at pagiging mag kasintahan. Nagkakilala si Alex at Mikee dahil sa kanilang common friend na aktor na si Piolo Pascual.
Halos tatlong taon din silang naging magkasintahan bago sila naging engaged sa isa’t isa. Nagpropose noong December 2019 si Mikee kay alex sa 1881 Heritage sa Hong Kong.
Kaya naman, nasa halos isang taon na rin silang engaged. Maraming netizens tuloy ang na eexcite sa kanilang kasal lalo na at inilabas ang larawan ni Alex G. na naging muse para sa San Antonio’s latest set na “La Grace.”
Makikita sa mga shinare ni Alex ang kanyang mga larawan na talagang masasabing mong napakaganda ni Alex at bagay na bagay sa kanya ang mga gowns na ito.
Tatlong set ang mga gown na ito at lahat ng ito ay talagang lutang na lutang ang kagandahan ni Alex.
“La Grace was born out of the two essences of the word ‘grace’ – elegance and goodwill. These and the refined values of a classic bride is the La Grace dream, fulfilled by Alex Gonzaga – our muse and the collection’s purest emb0diment,” saad naman ni San Antonio sa kanyang post.
Samantala, mukhang ready na nga si Alex sa kaniyang kasal. Iniisip tuloy ng mga netizens kung ano nga ba ang magiging suot ni Alex sa kanyang magiging kasal.
View this post on Instagram
Matatandaang outspoken talaga si Alex sa kanyang mga vlogs at shows na natutuwa siya sa mga nangyayari sa kanyang buhay lalo na ngayon na engaged na siya. “Sobrang saya ng puso ko,” sambit ni Alex na talagang namang masaya sa kanilang dalawa ni Mikee.
View this post on Instagram
The post Alex Gonzaga, pinaw0w ang mga fans dahil sa angking ganda habang minomodel ang mga wedding gowns na likha ng isa sa sikat na designer appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments