Tingnan ang mga nakakaaliw na baby pictures ng ilan sa mga paborito nating mga artista

Ang mga baby pictures natin ay isa sa mga larawan na ating pinakasisinop dahil kay sarap nga namang balikan ng mga litrato natin noong bata.

Credit: EulaValdez instagram

Makikita natin sa mga litratong iyon ang ating kacutean at minsan pa ay mapapawish tayo na sana bata na lamang ulit tayo tuwing nakikita ang ating mga throwback pictures.

Credit: roderickpaulate instagram

Minsan ba ay kumikiliti na sa iyong kuryosidad kung ano nga ba ang itsura ng iyong mga iniidulo sa larangan ng showbiz noong sila ay mga bata pa lamang? Narito’t makikita mo ang iilan sa mga cute na cute na throwback pictures ng mga idolo mo.

Isa na rito ang ipinost sa instagram ni Anne Curtis na isang throwback niya noong siya ay bata pa lamang. Makikita sa litrato ang inosenteng ekspresyon niya habang nagbubukas ng mga regalo. Makikkita mo ang pagkakahawig nila ng kaniyang anak na si Dahlia.

Credit: annecurtissmith instagram

Sumunod naman ay ang sikat na kambal sa showbiz na sina Richard at Raymond Gutierrez. Sa litratong ipinost ni Raymond sa kaniyang Instagram account. Ang kambal ay cute na cute na magkaakbay at mapapansin mo sa litrato nila ang pagiging chubby nilang dalawa. Nakakapangggil nga naman ang kanilang cuteness sa litrato.

Credit: @mond instagram

Si Robie Domingo rin ay nagpost ng kaniyang throwback na mayroong napakacute na smile na hanggang sa kaniyang pagtanda niya ay kaniyang nadala.

Credit: @robdomingo instagram

Hindi naman papahuli si Alex Gonzaga na nagpost rin ng kaniyang throwback na litrato noon. Kawili wili ang pose ni mini Alex sa litrato at mapapansin namang talagang simula pa lamang bata pa siya ay makikita na ang kaniyang kabibohan at kakwelahan.

Credit: alexgonzaga instagram

Ang dating Child star na si John Prats ay nagpost rin sa kaniyang IG ng throwback niya noong siya ay gumaganap sa telebisyon nang siya ay bata pa.

Credit: johnprats instagram

Maging sina Mariel Padilla, Roderick Paulate, Diane Medina, Eula Valdez, Denise Laurel at Dawn Zulueta ay nagpost rin ng kanilang mga cute na cute na throwback pictures na kinagiliwan ng mga netizens dahil simula bata pa lamang sila ay makikita mo na ang kanilang kani-kaniyang mga looks.

Credit: marieltpadilla instagram
Credit: @d_laurel instagram

The post Tingnan ang mga nakakaaliw na baby pictures ng ilan sa mga paborito nating mga artista appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments