Xian Gaza, pinuri matapos tulungan ma-rescue ang isang pamilya na na-tr@p sa kanilang bahay dahil sa baha

Nakatanggap ng maraming papuri mula sa mga netizen ang kilalang negosyante na si Xian Gaza na minsan na ring naging laman ng mga balita noon dahil sa kinasangkutang investment sc@m.

Credit: Christian Albert Gaza Facebook

Tinulungan kasi ni Xian na ma-rescue ang pamilya ng isang netizen na na-tr@p sa kanilang bahay sa Sta. Cecilia Maly, San Mateo, Rizal dahil sa mataas na tubig baha bunsod ng pananalasa ng bagy0ng Ulysses.

Base sa mga screenshot picture na in-upload ni Xian sa kanyang Facebook account, nag-message sa kanya ang isang netizen na nagngangalang Efer (Jennifer) Deterala Fabila Doncillo at humihingi ng tulong para maipaabot sa mga rescuer ang kanilang sitwasyon.

Credit: Christian Albert Gaza Facebook

Ayon sa kwento ni Jennifer kay Xian, malapit na umanong pumasok sa second floor ng kanilang bahay ang tubig baha. Ang ikinababahala rin umano ni Jennifer ay may mga kasama silang mga bata. Kaya naman nag-komento siya sa isang Facebook post ni Xian at sinabi ang kanilang sitwasyon.

Makikita sa Facebook account ni Xian ang mga larawan ng pagpapalitan nila ng mensahe. Matapos mag-message si Jennifer kay Xian ay kaagad na nag-post si Xian sa kanyang Facebook account at tinawag ang atensyon ng local government ng San Mateo, Rizal.

Credit: Christian Albert Gaza Facebook

Isang inisyatibo rin ni Xian na padalhan ng P1,500 ang pamilya ni Jennifer para may pambili ng pagkain para sa mga bata na nagugutom na umano.

Dahil sa pagpo-post ni Xian at pagbabahagi na rin ng marami pang netizen sa kanyang post ay nagawang makarating sa mga rescuer ang mahirap na sitwasyon nina Jennifer.

Base sa update ni Xian sa kanyang Facebook account ay na-rescue na ang pamilya ng nasabing netizen.

Credit: Christian Albert Gaza Facebook

Sa tulong na rin ng perang ipinadala ni Xian ay nakakain na ang mga bata na mahigit 18 oras na umanong hindi nakakakain.

Credit: Christian Albert Gaza Facebook

Labis namang hinahangaan ng mga netizen ang ginawang aksyon ni Xian para mailigtas ang na-stranded na pamilya ni Jennifer. Narito ang ilang komento na natanggap ni Xian mula sa mga netizen:

Credit: Christian Albert Gaza Facebook

“Godbless po sayuu sir napaka Buti nto sana marami pang kagaya mo na mabuti na handang tumulong God love syou Idol napo kita”

“U are really unique and a blessing to other people, continue with ur good work. God in his infinite mercy will grant you ur heart desires Amen”

“God bless your good! Sama-sama sa pagbangon.”

“Alam mo boss. Di moko fans. Naririnig kita pero ngayong ko lang nakita mukha mo kahit dito sa fb ngayon lang. Napaka talino mo at mabait. Ang angas mo idol! Idol na kta”

The post Xian Gaza, pinuri matapos tulungan ma-rescue ang isang pamilya na na-tr@p sa kanilang bahay dahil sa baha appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments