Gamit ang kanilang surfboards, tumulong ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones sa mga residente na naapektuhan ng matinding pagbaha sa Marikina

Sa gitna ng malawakang pagbaha na dala ng bagy0ng Ulysses, isa sina celebrity couple Jericho Rosales at Kim Jones sa mga taong gumawa ng aksyon upang matulungan ang ating mga kapwa Pilipino na hindi makaalis at na-trap sa kanilang mga tahanan dahil sa mataas na tubig baha.

Credit: Jericho Rosales Instagram

Sa isang artikulong inilathala ng ABS-CBN News, sinabi ni Jericho na nang makita nila ang baha nagpasya sila ni Kim na tulungan ang mga rescuer sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang mga surfboard.

Malaking tulong para kina Jericho at Kim ang kanilang mga surfboard dahil kung minsan umano sa mga oras na nananalasa ang baha ay walang available na mga bangka o mga flotation device.

Credit: ABS-CBN News Facebook

Pagkukuwento pa ni Jericho, “This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard.”

Laking pasasalamat din ni Jerico sapagkat ang mga taong sinagip nila ay ligtas at okay.

“Okay naman [‘yung mga napuntahan namin sa bahay], safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung rescue teams kasi malakas na ‘yung agos and wala pang boats.”

Credit: ABS-CBN News Facebook

Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumulong si Jericho sa pagligtas ng mga residente na apektado ng matinding pagbaha dahil sa bagy0.

Matatandaang noong bagyong Ond0y taong 2009, isa rin si Jericho sa mga taong tumulong sa pag-rescue gamit pa rin ang kanyang surfboard.

Kilala si Jericho na mahilig sa surfing at talaga namang nagagamit niya sa makabuluhang paraan ang mga natutunan niya sa pagsi-surf.

Credit: Jericho Rosales Instagram

Inamin din ni Jericho na mas malala ang bagyo na naranasan nila ngayon kaysa noong nanalasa ang bagy0ng Ond0y.

Paliwanag pa ni Jericho na naging malala umano ang pagbaha ngayon sa kanilang lugar dahil umano hindi nila inasahan na biglang tataas ang tubig baha.

Base sa mga larawang ibinahagi ng mga residente sa social media talaga namang nakakaalarma ang taas ng tubig baha sa ilang lugar sa Luzon dahil lampas tao na ito.

Credit: ABS-CBN News Facebook

Ani pa ni Jericho, “Wala akong data or facts pero in a sense na hindi natin nalaman na tataas ng ganito [ang baha], mas malala ito para sa akin.”

Sa huli, pinayuhan ni Jericho ang lahat na maging kalmado at maging handa palagi.

Credit: ABS-CBN News Facebook

Aniya, “Stay calm and siguro it’s too late now to complain or anything so mas maganda, kung tayo mismo in the future we can prepare. It’s always preparation para sa akin. Preparation ng mga nasa bahay and ng mga rescuers.”

Hiling din ni Jericho, “I hope they get enough funds for rescue.” We get better warnings sana for the people para hindi na mangyari.”

The post Gamit ang kanilang surfboards, tumulong ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones sa mga residente na naapektuhan ng matinding pagbaha sa Marikina appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments