Isang Tatay na lumuwas pa quezon city upang magtrabaho, iniwan ng kanyang mga kasama at ngayon ay pagala gala nalang sa kalye

Sa isang post ng isang Facebook user na si Sumea Grace ay mayroong litrato ng isang matandang lalaki na naging palaboy na. Maraming netizens ang nahabag sa kalagayan ni tatay. Ang pangalan ng taong asa picture ay si Tatay Alfred Dela Cruz.

Ayon sa caption ay nakita ni Sumea si tatay na paika ika kaya naman tinulungan niya ang matandang lalaki at sa pagtulong niya ay nakipagkwentuhan siya.

Credit: Sumea Grace Facebook

Taga Palayan City, Nueva Ecija umano si tatay ngunit dinala siya sa Maynila upang magtrabaho ngunit siya ay iniwan ng kaniyang mga kasamahan at siya ay naging palaboy na lamang.

“Isinama po siya sa dito sa Maynila para magtrabaho. Natulog sila sa isang apartment at pagkagising niya, wala na Yung kasama niya. Iniwan na lamang siya,” saad ng nagpost na si Sumea.

Si tatay ay matatagpuan ngayon sa Lagro, Quezon City at nais na niyang makauwi sa kaniyang probinsya at ipinost ni Sumea ang kwento ni tatay upang matulungan siyang makabalik sa Nueva Ecija.

Credit: Sumea Grace Facebook

Ngayon ay nananawagan ng tulong sa mga may mabubuting kalooban si Sumea para kay tatay at inaanyayahan ang iba na maging bukas palad sa pagtulong sa matandang naging palaboy na. Nangako si Sumea kay tatay na babalikan niya si tatay sa susunod na linggo.

Si tatay ay nakipagsapalaran sa Maynila upang makapagtrabaho ngunit siya ay naloko lamang.Siguradong nag-aalala na at namimiss na siya ng kaniyang pamilya kaya naman sa mga nais tulungan si tatay na makabalik sa kaniyang pamilya ay maaring magbigay ng tulong sa Gcash: 09155956172

Ang pagtulong ni Sumea kay tatay ay kanilang proyekto ngayong buwan at ang mga tulong na nakalap ni Sumea ay inaupdate niya sa post upang mapakita na para kay tatay talaga ang mga tulong na malilikom.

Credit: Sumea Grace Facebook

Sana naman ay huwag ng manl0ko ng mga tao dahil pare-pareho lamang tayong nahihir@pan.

Huwag sanang mang-agrabyado ng iba. Napaka swerte natin dahil nakakakain tayo sa oras at may bubung sa ating mga ulo kaya naman huwag sas@mantalahin ang mga biyaya na mayroon ka.

The post Isang Tatay na lumuwas pa quezon city upang magtrabaho, iniwan ng kanyang mga kasama at ngayon ay pagala gala nalang sa kalye appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments