“Wowowin” host na si Willie Revillame, personal na nagbigay ng 5 milyong piso sa mga residente ng Catanduanes na naapektuhan ng bagy0ng Rolly

Nag-iwan ng malaking pinsala sa lalawigan ng Catanduanes ang nagdaang bagy0ng R0lly kung saan ito unang nag-landfall. Maraming kababayan natin ang labis na nangangailangan ng tulong para makapagsimulang muli matapos ang pamiminsala ng bagy0 na itinuturing na isang super typh0on. Kabilang nga sa mga nagbukas ng kanilang bulsa at nagbigay ng tulong pinansyal sa mga residente ng Gigmoto, Catanduanes si Kapuso TV host Willie Revillame.

Credit: GMA News YouTube     

Ayon sa ulat ni Ian Cruz sa GMA news program na “24 Oras”, lumipad papuntang Gigmoto, Catanduanes si Willie para personal na magbigay ng tulong sa mga residente.

Nagbigay ng 5 milyong piso ang “Wowowin” host sa mga residente. Maliban dito ay binigyan din niya ng P100,000 ang isang residente na nanawagan ng tulong sa kanya.

Credit: GMA News YouTube

Base na rin sa kwento ni Willie, nagtungo siya sa probinsya matapos niyang mapanood ang panawagan ng isang residente na kinilala bilang si Elizabeth Español na humihingi ng tulong sa kanya para magsimula muli matapos wasakin ng bagy0 ang kanilang mga pananim.

Credit: GMA News YouTube

Kwento ni Willie, “Noong napanood ko ‘yon medyo parang hirap naman na balewalain mo ‘yon kasi nananawagan na sa ‘yo, tinawag na pangalan mo tapos ito namang weekend na ‘to wala naman akong gagawin, wala naman akong show eh ‘di gumawa ako ng paraan.”

Mapapanood sa nasabing ulat na maliban sa tulong pinansyal ay nagbigay din ng mga gamot, kumot, at mga jacket si Willie sa mga nasalanta ng bagy0. Personal din na kinausap ni Willie ang mga residente ng nasabing lugar na naghihintay sa kanya.

Credit: GMA News YouTube

“Magandang hapon sa inyo. Alam n’yo hindi ko inaasahan ganitong pagsalubong n’yo sa akin,” pagsisimula ni Willie matapos makita ang dami ng tao na sumalubong sa kanya.

Dagdag niya, “Si Nanay [Elizabeth] napanood ko sa 24 Oras. Sabi ko,’Hindi naman po pwedeng matutulog lang ako na may nakikiusap na tulungan kayo’, ‘di ba?”

Credit: GMA News YouTube

Ikwenento rin ni Willie ang lungkot na naramdaman niya matapos niyang makita ang pinsala na dinala ng bagy0 sa lalawigan.

Ani Willie, “Actually, doon pa lang sa paglipad mo nakita mo na ang mga tahanan na wala nang mga bubong. Iyon na kaagad ang nararamdaman mo eh. May lungkot na.”

Samantala, maraming netizens naman ang pumuri kay Willie dahil sa malasakit at pagmamahal na ipinakita nito sa mga residente ng Gigmoto, Catanduanes. Komento ng netizens:

Credit: GMA News YouTube

“GOD BLESS KUYA WILLIE THIS PROVEN U HAVE SUCH A BIGHT HART TO HELP THIS POOR PEOPLE GOD BLESS TO UR TEAM EN ALSO KAPUSO GMA GOD BLESS U ALL.”

“bruh sobrang humble nitong si willie literal na starting from the bottom now we here eh parang tumambay lang dati ito sa monumento”

“Naiyak ako willie, i-bless ka pa ng sobra grabe pagtulong mu sa tao.”

The post “Wowowin” host na si Willie Revillame, personal na nagbigay ng 5 milyong piso sa mga residente ng Catanduanes na naapektuhan ng bagy0ng Rolly appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments