Madalas nating marinig ang mala- “rags to riches” na kwento ng ilan sa mga hinahangaan nating Pinoy celebrity. Naging daan kasi ang pagpasok nila sa showbiz para marating ang tinatamasa nilang kasikatan at marangyang pamumuhay ngayon.
Bagaman karamihan sa atin ay gustong pasukin ang pag-aartista para maihaon ang ating pamilya sa kahirapan, ang ilang Pinoy celebrity na ito ay pwede nang hindi mag-artista para lamang maranasan ang isang komportable at marangya pamumuhay.
Hindi pa man kasi sila isang artista, ay matatawag na silang mayaman dahil sa mayamang angkan o pamilyang kanilang pinagmulan.
Kilalanin sa listahang ito ang ilan sa mga Pinoy celebrity na mayaman na bago pumasok sa showbiz.
1. Heart Evangelista
Isa sa mga tinaguriang “real crazy rich asian” ng sikat na fashion magazine na Harper’s Bazaar, si Heart Evangelista o Love Marie sa tunay na buhay ay nagmula sa mayamang angkan ng Ongpauco sa bansa na nagmamay-ari ng Barrio Fiesta restaurants.
2. Beauty Gonzalez
Ang pamilya ni Beauty Gonzalez o mas nakilala ng lahat bilang si Romina Mondragon sa Kapamilya drama series na “Kadenang Ginto” ay nagmamay-ari ng coconut at sugar cane farm. Maliban sa pagiging haciendera ay nagmula rin si Beauty sa pamilya ng mga politiko.
3. Ellen Adarna
Bago maging isang sexy actress at modelo, kilala si Ellen Adarna sa Cebu City bilang isang heiress sa pagmamay-aring hotels at construction business ng kanyang pamilya.
4. Kris Aquino
Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino o mas kilala bilang Kris Aquino ay ang bunsong anak nina dating pangulong Cory Aquino at dating senador Benigno Aquino III. Ang pamilya ni Kris ay siyang nagmamay-ari ng “Hacienda Luisita” na isa sa pinakamalawak na real-estate property sa bansa.
5. Derek Ramsay
Mayroong pagmamay-aring real-estate properties ang pamilya ni Kapuso actor Derek Ramsay na matatagpuan sa Tagaytay, Palawan at Batangas.
6. Denise Laurel
Galing sa isang prominenteng political clan si TV actress Denise Laurel. Siya ay apo sa tuhod ni dating pangulong Jose P. Laurel. Ilan pa sa mga kilalang kamag-anak ni Denise ay sina Filipino fashion designer Rajo Laurel at multi-awarded singer-actor Franco Laurel.
7. Paul Jake Castillo
Bago pa man sumali sa Pinoy Big Brother noong 2010, ay marangya na ang buhay ni Paul Jake Castillo. Si Paul Jake ay ipinanganak sa Baltimore, Maryland at lumaki sa Cebu City kung saan matatagpuan ang main office ng pagmamay-aring Pharmaceutical company ng kanyang pamilya na International Pharmaceuticals, Inc. o IPI. Kabilang sa mga produktong ginagawa ng IPI ay Bioderm, Efficascent Oil, Casino Alcohol at marami pang iba.
8. Maine Mendoza
Ang ama ni “Eat Bulaga” host Maine Mendoza ay isang engineer at ang kanyang ina naman ay isang accountant na siyang nagpapatakbo sa kanilang sariling gas stations at food chain franchise sa Bulacan.
The post Kilalanin ang mga Pinoy celebrity na ito na mayaman na bago pa man maging isang artista appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments