Gloc-9, lumikom ng pera mula sa pagbebenta ng ilan sa mga koleksyong sapatos para i-donate sa mga nasalanta ng bagy0ng Ulysses

Kanya-kanyang diskarte ngayon ang maraming celebrities para kahit papaano ay matulungan ang ating mga kababayan sa National Capital Region na nangangailangan ng tulong matapos ang pananalasa ng bagy0ng Ulysses.

Credit: @glocdash9 Instagram

Kabi-kabila ang mga fundraising event na inorganisa ng ilan sa mga sikat na artista para makalikom ng pondo na ido-donate sa mga residente na nasalanta ng bagy0.

Naisip nga ng Filipino rapper icon na si Gloc-9 na ibenta ang ilan sa mga koleksyon niya ng mga sapatos.

Credit: @glocdash9 Instagram

Nag-post sa kanyang Instagram si Gloc-9 at naghahanap ng mga bibili ng kanyang mga sapatos. Ayon kay Gloc-9, hindi na umano niya ginagamit ang mga sapatos kaya naisip niyang ibenta nalang ang mga ito para ibigay sa mga labis na nangangailangan.

“Presyohan nyo na!!! wala nang arte arte! Di ko naman na nagagamit yan mga yan. Mas mabuti mapakinabangan yung mapag bentahan ng mga mas nangangailangan. Yung mga interesado mag txt lang po kayo ng bid nyo sa (0939) 923 6246. Maraming Salamat 🙂 ingat kayo lagi,” aniya sa caption.

Credit: @glocdash9 Instagram

Isang mensahe rin ang iniwan ni Gloc-9 para sa mga kababayan natin na nasalanta ng bagy0.

Ani Gloc-9, “HUWAG MAWAWALAN NG PAG ASA, UMAARAW NA ULIT!! :))) #kayanatinito”

Base sa letrato ng mga sapatos na in-upload ng rapper icon, ang mga ipinagbibili niyang mga sapatos ay ang isang pares ng Air Jordan 11 Retr0, Air Jordan Legacy 312 Low at Air Jordan Legacy 312.

Credit: @glocdash9 Instagram

Samantala, sa comment section ay maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang interes para bilhin ang mga sapatos ni Gloc-9.

“Hi po ask ko lang hm po ung red thank you @glocdash9”

“KUNIN KO NA SIR YUNG VARSITY RED FOR 4K!”

“Jordan 11 retro Sir @glocdash9 kht 2k lang…kasya sa bulsa…makatulong po sa kapwa nasalanta…”

Credit: @glocdash9 Instagram

May ilang netizens din ang nagpahayag ng kanilang paghanga dahil sa initiatibo ni Gloc-9 para makatulong sa mga nasalanta ng bagy0ng Ulysses.

“Ang galing god bless you more @glocdash9”

“Iba talaga ang @glocdash9 simula’t sapul mabuhay ka master!”

Credit: @glocdash9 Instagram

Si Gloc-9 o Aristotle Pollisco sa tunay na buhay ay nakilala dahil sa kanyang galing sa pagra-rap at pagsulat ng mga kanta. Ilan sa mga OPM rap-song ni Gloc-9 ay “Magda”, “Simpleng Tao”, “Love Story Ko” at “Sirena”.

The post Gloc-9, lumikom ng pera mula sa pagbebenta ng ilan sa mga koleksyong sapatos para i-donate sa mga nasalanta ng bagy0ng Ulysses appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments