Nakakatawang litrato ni Billy Crawford at Baby Amari, kinaaliwan ng mga netizen

Sa Instagram account ni Billy Crawford, makikita ang latest post niyang picture nilang magkasama ng kaniyang baby boy na si Amari. May caption itong, “My son will be a very good athlete, I’m pretty d@rn sure of it! 😂 🤦♂‍” na may hashtag din na #sapvl” Nasabi ito ni Billy dahil masasaksihan naman sa picture kung paano na-sik0 ni baby Amari and ilong ng kaniyang daddy Billy. Sapvl na sapvl ito sa mismong ilong ng ama.

Credit: Billy Crawford instagram

Mas makikita itong maigi sa pangalawang picture na naka-attach din sa nasabing post kung saan naka-zoom at focus ang picture sa siko ni Amari at ilong ni Billy. Sa comment section naman nang nasabing post makikitang tawang-tawang at sumasang-ayon sa caption ni Billy ang mga taga-suporta, kaibigan, at kasamahan niya sa industriya ng Showbiz.

Credit: Billy Crawford instagram

Kabilang dito sina Angel Locsin at Jake Cuenca na parehong nagcomment ng laugh emoji at Gabe Norwood na sinabing “S0lid box out right there 😂”. Pabiro rin namang sinabi ni Will Devaugn na “Belo to the rescue 🙂”.

Credit: Billy Crawford instagram

Ngayong ika-9 buwan ni baby boy Amari, masasabing nakakabilib na ang kaniyang lakas dahil makikitang napangiwi si Billy sa hindi sinasadyang p@gkasiko ng baby boy niya sa kaniya.
Makikita sa picture na nasa pictorial ang mag-ama bilang loyal ambassadors ng isang kilalang brand. Nagcomment ang official Instagram account ng Moose Gear Kids ng “Can’t wait for the official photos 😍” sa mismong post ni Billy.

Credit: Billy Crawford instagram

Ang mag-ama ay parehong naging ambassador ng Moose Gear Kids sa magkaibang henerasyon. Maaalalang si Billy Crawford ay ang ambassador ng nasabing clothing line noong taong 1988 at ngayon namang 2021 ay ang anak niyang si Amari Jayden Crawford.

Credit: Billy Crawford instagram

Kung bibisitahin ang official Instagram account ng Moose Gear Kids, makikita ang post nilang captured picture ng mag-ama habang pumipili ng damit na may caption na “Circa 1988 ➡ 2021! Two generations of loyal Moose Gear ambassadors! Stay tuned 👀

Credit: Billy Crawford instagram

Si Amari Jayden Garcia-Crawford ay anak ng dalawang sikat na personalidad sa Industriya ng Showbiz na sina Coleen Garcia at Billy Crawford. Ngayon pa lang ay isang ganap ng celebrity si Amari kaya hindi talaga imposibleng paglaki niya ay susunod siya sa apak ng kaniyang mga magulang o kaya naman ay magkatotoo ang nasabi ni Billy na magiging ngang isang athlete ang anak.

Credit: Billy Crawford instagram

The post Nakakatawang litrato ni Billy Crawford at Baby Amari, kinaaliwan ng mga netizen appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments