“Siguro po nagpaparamdam”, sagot ni Barbie Imperial nang tanungin kung nililigawan siya ni Diego Loyzaga

Tahasang inamin ni Kapamilya actress Barbie Imperial na ‘nagpaparamdam’ sa kanya ang aktor na si Diego Loyzaga. Matagal nang magkaibigan si Barbie at Diego. Kamakailan nga ay umugong ang mga haka-hakang nanliligaw si Diego sa aktres matapos siyang mag-komento sa s3xy photo ni Barbie habang nasa beach.

Credit: @msbarbieimperial Instagram

Dahil nga sa komento ni Diego sa mga social media post ni Barbie, kaya nagtanong si TV host Karla Estrada kung ano ang ‘real score’ sa pagitan nila ni Diego. Si Karla ay matalik na kaibigan ng ina ni Diego na si veteran actress Teresa Loyzaga. Maging si Karla ay ‘curious’ din sa tunay na relasyon nila Barbie at Diego.

Credit: @diegoloyzaga Instagram

Sa episode ng “Magandang Buhay” nitong November 23, matapang na sinagot ni Barbie ang mga katanungan na ibinabato sa kanya tungkol sa relasyon nila ni Diego. Hindi nagdalawang-isip si Barbie na aminin ang tunay na relasyon nila ni Diego.

Credit: @msbarbieimperial Instagram

“Siguro po nagpaparamdam”, sagot ni Barbie kay Karla.

Kwento pa ni Barbie, ang mga kaibigan daw talaga nila ni Diego ang parating nagsasabi sa kanila na subukan nilang mag-date.

Credit: @diegoloyzaga Instagram

Pagbubunyag pa ni Barbie, “Actually po magkaibigan talaga kami before pa super close talaga kami. ‘Yun nga po matagal po kaming hindi nagkita, eh, pero isa lang din po ‘yung grupo namin. Tapos parang ‘yung mga friends namin gusto nila ‘try niyo kaya mag-date ni Diegs.’

Ayon pa sa dalaga, desisyon umano nila ng aktor na manatiling magkaibigan na lamang.

Credit: @msbarbieimperial Instagram

Aniya, “Tapos parang kami huwag na huwag na. Kasi noong 2018 hindi ba po parang ang daming kong pinagdaanan sa love life and Diegs din. So parang ako…hindi kami perfect for each other nung time na ‘yon.”

Pinili rin ni Barbie na maging magkaibigan na lang sila ni Diego dahil ayaw umano niyang siya ang maging dahilan kung bakit masasaktan ito.

Credit: @diegoloyzaga Instagram

Saad ng aktres, “Recently nung pumunta sila sa house, parang ako, hindi pa rin. Kasi kaibigan ko siya at alam ko ang pinagdaanan niya. Ayaw ko ‘yung babae na ibi-break ‘yung heart ni Diegs.”

Dagdag ni Barbie, “So parang tinuloy namin na hindi, maging friends muna na lang tayo. Kapag alam mo kasi ang pinagdaanan ng tao parang ayaw mo siyang ibalik sa sitwasyon na ‘yon ulit.”

Credit: @msbarbieimperial Instagram

Noong 2018 ay nasangkot sa maraming isyu si Barbie na may kinalaman sa kanyang buhay pag-ibig. Matatandaang nang maghiwalay sila ng kanyang boyfriend noon na si Paul Salas ay maraming lumabas na balita ng umano ay pisikal na pananakit ng aktor kay Barbie.

Muli namang naging laman ng balita si Barbie matapos niyang ma-link kay JM de Guzman na ka-loveteam niya sa Kapamilya serye na “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi”.

Credit: @diegoloyzaga Instagram

Sa ngayon, abala si Barbie sa kanyang bagong TV show na “Bagong Umaga”.

The post “Siguro po nagpaparamdam”, sagot ni Barbie Imperial nang tanungin kung nililigawan siya ni Diego Loyzaga appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments