Dating mag-loveteam na sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, muling magpapakilig sa kanilang balik-tambalan sitcom project

Excited na ang marami sa muling pagtatambal ng mag-loveteam at dating real-life couple na sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo.

Credit: Joross Gamboa Instagram    

Balik-tambalan ang JoRox sa Kapamilya sitcom na “Hoy! I Love You!” matapos ang matagal na panahon na pamamahinga nila sa pag-arte bilang mag-loveteam.

Ayon sa artikulong inilathala ng PEP.ph, layunin ng bagong serye ng JoRox ang ibalik ang situational comedy na hindi lamang magpapakilig sa mga tao kundi ay tatangkilikin din dahil sa matibay at magandang storya nito.

Credit: @roxanneguinoo Instagram

Ang production team ng “Hoy! I Love You!” ay pamamahalaan ng batikang direktor na si Theodore Boborol at ng producer na si Linggit Tan-Marasigan na nasa likod ng ilang matagumpay na Kapamilya sitcom tulad ng “Home Sweetie Home”, “Home Along Da Riles” at “Goin’ Bulilit”.

Credit: Joross Gamboa Instagram

Kasama ng JoRox sa sitcom ang mga batikang artista na sina Dominic Ochoa at Carmi Martin. Mapapanood din sa sitcom sina Keanna Reeves, Pepe Herrera, Aljon Mendoza at Karina Bautista.
Tila may pasilip naman ang JoRox sa mga aabangan ng kanilang mga tagahanga sa bago nilang proyekto at isa na rito ang kanilang “Heart Challenge”.

Credit: @roxanneguinoo Instagram

Sa kanyang Instagram ay nag-post si Joross ng sweet photo nila ni Roxanne habang ginagawa ang isang ‘heart-hand’ symbol.

Sa caption ay sinabi ni Joross, “Soon…#jorox #joroxheartchallenge”

Credit: Joross Gamboa Instagram

Sa isa pang post ng aktor, ay makikita naman sila ni Roxanne na gumagawa ng ‘heart-hand’ symbol habang nasa isang beach sa Lobo, Batangas.

Base na rin sa artikulo ng PEP.ph, sasabak sa lock-in taping ang JoRox at gaganapin ito sa isang resort sa Batangas.

Samantala, bumuhos naman ang samu’t saring komento ng netizens sa muling pagtatambal ng JoRox. Marami sa mga netizen ang kinilig at napa-throwback pa noong mga panahon na nagsisimula pa lamang sa “Star Circle Quest” ang JoRox. Komento ng netizens:

“Woww muling I balik pero bilang loveteam ito yung face loveteam ko during star circle quest, kasama sina sandara at hero then Michelle at Joseph”

Credit: Joross Gamboa Instagram

“Hooooy my heart!!!! Iniyakan ko kayo nung nagbreak kayong dalawa!”

“Jusko napathrowback thursday ako huhuh namiss ko kayo plus ang HeroSan”

“Noong SCQ days, talagang napunta pa ako sa aliw theater para makita kayo. Kasi doon kayo naglalive minsa hahaha. Fave ko herosan jorox and michelle. haysss…old days, sarap magpaka fan girl that time.”

Taong 2006 nang napabalita ang paghihiwalay nina Joross at Roxanne. Sa ngayon, ay may kanya-kanya na silang pamilya na sumusuporta naman sa kanilang muling pagtatambalan.

The post Dating mag-loveteam na sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, muling magpapakilig sa kanilang balik-tambalan sitcom project appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments