Isa sa pinakatanyag na celebrity kid ngayon ay ang napakagandang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Maria Letizia o mas kilala rin bilang Zia.
Nitong Lunes, November 5 ay nagdiwang si Zia ng kanyang ika-5 taong kaarawan kung saan isang Cocomelon-themed birthday party ang inihanda ng kanyang mga magulang.
Kinatuwaan ng marami si Zia dahil sa kanyang nakakaantig na birthday wish na ibinahagi ng kanyang Mommy Marian sa isang Instagram post. Kalakip ng mga masasayang letrato na i-pinost ni Marian kuha mula sa birthday party ni Zia ay ang isang nakakaantig na kwento tungkol sa hiling ni Zia para sa kanyang kaarawan.
Ang hiling ni Zia para sa kanyang kaarawan ay hindi isang magandang laruan o anumang bagay kundi hiling niya ang kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay at ang paggaling ng mundo. Ikwenento naman ni Marian na lubos siyang naantig sa hiling ni Zia sa kanyang kaarawan.
Aniya sa caption ng kanyang Instagram post, “Happy birthday Ate Z! I was so touched when she told me this morning that her wish is to keep her family, friends and everyone she knows safe and for the World to be healed. awww ”
Nagpapasalamat din si Marian sa anak dahil lumaki umano itong may malasakit sa ibang tao.
Mensahe ni Marian kay Zia, “Thank you for being such a thoughtful daughter, mama is always here to protect and support you all the way… Happy Birthday Anak! Mahal na mahal ka namin. #HappyBirthdayAteZia ”
Samantala, nakakatuwa naman ang reaksyon ni Zia habang pinapanood ang birthday greeting ng ilan sa mga hinahangaan niyang personalidad. Sobra kasing kinilig si Zia sa birthday greeting nina “The Voice” coach Sarah Geronimo, YouTube stars na sina Ranz at Niana pati ang kanilang kapatid na si Natalia, at ang sikat na vloggers na sina Kaycee at Rachel.
“The progression of her kilig when we made her watch the birthday greetings of her most admired media personalities. Thanks to Mama for organizing and reaching out to them,” pagkukuwento pa ni Dingdong sa caption ng kanyang post.
Si Zia ay ang panganay na anak nina Marian at Dingdong. Ang kanilang bunso na si Ziggy ay katulad din ng kanyang Ate Zia na artistahin ang taglay na kagwapuhan.
View this post on Instagram
The post Zia Dantes, sobrang kinilig nang mapanood ang birthday message sa kanya ng idol niyang si Sarah Geronimo appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments