Rosanna Roces, inaming ‘swerte’ sa kanya ang 2020 dahil nagkaayos na sila ng kanyang anak na pitong taong nakaalitan

Totoo nga ang kasabihan na ang anak kayang tiisin ang kanilang magulang pero ang isang magulang hindi kailanman matitiis ang kanilang mga anak.

Credit: Jennifer Cruz Adriano Facebook   

Patunay na lamang dito si TV actress Rosanna Roces na hindi kayang tiisin na mahiwalay at manatili ang hindi magandang relasyon nila ng kanyang anak na si Dennis Robert Adriano o mas kilala sa kanyang palayaw na Onyok.

Ngayong taon kasi, sa gitna ng p@ndemya, ay nagkabati na sina Rosanna at si Onyok na pitong taon ring nagkalayo sa isa’t isa dahil sa kanilang alitan.

Sa artikulong inilathala ng PUSH, ikwenento ni Rosanna na una umanong lumambot ang kanyang puso sa anak.

Credit: Jennifer Cruz Adriano Facebook

Aniya, “Ine-expect ko na papunta na rin doon. Kasi parang lumalambot na rin ako, eh. Padala ng ganito, padala ng ganyan, dadaan kay Grace (panganay na anak ni Osang). Ang hirap ng may iniisip, lalo ‘pag Pasko. Hindi mo alam kung ano ang kinakain, kung nasaan…’yung ganun.”

“Ganun kasi ang ina. ‘Pag sobrang magmahal, sobra ring masaktan. Kesa masaktan ka nang masaktan, bibitaw ka na lang! Cut ties!,” dagdag pa ng aktres.

Credit: Jennifer Cruz Adriano Facebook

Inamin naman ni Rosanna na nag-ugat ang kanilang alitan ni Onyok dahil umano sin@ktan siya nito.

Pag-amin ni Rosanna, “Sinaktan niya ako, physically. Parang hindi na kaya ng utak ko ‘yon. Hindi kinaya ng puso ko.”

Aminado rin si Rosanna na Mama’s boy at paborito niyang anak si Onyok.

Credit: Jennifer Cruz Adriano Facebook

Kwento ni Rosanna, “Iyan talaga ang nakabuntot nang nakabuntot sa akin. Kasi paborito kong anak ‘yang si Onyok. Maka-nanay talaga ‘yan. Minsan talaga, ‘yung pinakag*** mong anak, ‘yon ang pinakamapagmahal.”

Walong taon din na nagkalayo ang mag-ina at ayon pa kay Rosanna, mas mabuti na rin daw na nagkalayo sila ng anak para umano may matutunan din ito sa buhay.

Credit: Jennifer Cruz Adriano Facebook

Dahil nawalan ng trabaho ang anak kaya kumuha ng isang apartment si Rosanna para may matitirhan ito ngayong may p@ndemya.

Ayaw din daw ng aktres na ma-stress ang kanyang panganay na anak na si Grace dahil ito raw ang madalas lapitan ni Onyok. Siya rin umano ang unang nag-reach out sa anak.

Sa huli ay sinabi ni Rosanna na ma-swerte sa kanya ang taon na ito kahit pa may p@ndemya dahil ito ang taon na nagkaayos sila ni Onyok.

The post Rosanna Roces, inaming ‘swerte’ sa kanya ang 2020 dahil nagkaayos na sila ng kanyang anak na pitong taong nakaalitan appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments