Chynna Ortaleza, saludo sa kanyang asawang si Kean Cipriano dahil sa kanyang pagiging mabuting asawa at mapagmahal na daddy

Isa sina TV actress Chynna Ortaleza at Callalily frontman Kean Cipriano sa mga celebrity couple na going strong hindi lang sa kanilang relasyon bilang mag-asawa kundi pati na rin sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Credit: Chynna Ortaleza Cipriano Instagram    

Sa loob ng kanilang limang taong pagsasama bilang mag-asawa ay nabiyayaan sina Chynna at Kean ng dalawang supling na sina Stellar at Salem.

Saludo naman si Chynna sa kanyang asawa dahil sa kabila umano ng pagiging busy nito sa kanyang career bilang artista at singer ay nagagawa pa rin nitong gampanan ang kanyang responsibilidad bilang isang ama.

Credit: Chynna Ortaleza Cipriano Instagram

Simula raw kasi nang magkaroon sila ng mga anak hanggang ngayon ay ‘solid’ umano ang pag-alalay ni Kean kay Chynna sa pag-aalaga sa kanilang dalawang anak.

Kaya naman sa isang Instagram post nitong October 29, kinilala at ipinagmalaki ni Chynna sa lahat ang pagiging hands on daddy ni Kean pati na rin ang pagtitiyaga nito sa kanya.

Credit: Chynna Ortaleza Cipriano Instagram

Isang letrato ni Kean ang ibinahagi ni Chynna kung saan makikita si Kean na natutulog habang naka-nganga at halatang pagod na pagod katabi ang baby crib ng kanilang anak.

Saad ni Chynna sa caption ng kanyang IG post, “Saludo sa mga Daddy na naka nganga! 🙌🏻😘
Akala ng marami mga Mommy lang ang laylay petals.. or pagoda tr@gedy. Pero sa aming partnership.. si @kean dinadamayan ako. Solid! First day namin maging parents nito. Pero kasi ang grind ni Kean nito.. Gig, Dolce Amore diretso labor, boom.. malapit na maging Zombie! 😂 Akala namin pagod na kami niyan.”

Credit: Chynna Ortaleza Cipriano Instagram

“Ngayon na may Salem na kami, bukod sa kanya kanyang career e may OC Records.. madalas mong makikita si Kean na naglalakad.. pero not sure ako kung gising ba siya o tulog at naghahanap ng brains. 😂🤣😅 Zombies Forever na talaga!”

Credit: Chynna Ortaleza Cipriano Instagram

“Yes guys appreciation post po ito! Swear to God! I have the best partner. Kaya niya akong patawanin pa rin kahit na punding pundi po siya sa asawa niya na sumalo ng kasungitan sa mundo. Mahal kita!!! @kean Lapit na tayo mag Anniversary. ✨

Credit: Chynna Ortaleza Cipriano Instagram

Matatandaang ikinasal ng dalawang beses sina Chynna at Kean. Noong December 2015 ay ginanap ang kanilang civil wedding. Ngayon November 7 naman ay ipagdiriwang nina Chynna at Kean ang kanilang ika-4 na church wedding anniversary.

The post Chynna Ortaleza, saludo sa kanyang asawang si Kean Cipriano dahil sa kanyang pagiging mabuting asawa at mapagmahal na daddy appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments