Mona Alawi, piniling ibigay ang napanalunang 100K cash prize sa kanilang ina at mga tagahanga

May panibagong hamon na naman si YouTube star-actress Ivana Alawi sa kanyang pamilya. Sa pagkakataong ito ay hinamon ni Ivana ang kanyang Mommy Fatima, Kuya Hashim at bunsong kapatid na si Mona sa isang “Last to Leave the Van” challenge.

Credit: Ivana Alawi YouTube       

Simple lamang ang mechanics ng challenge ni Ivana. Ang gagawin lamang ng kanyang ina at mga kapatid ay manatili sa loob ng kanilang napakaganda at cozy van at ang huling taong aalis sa van ang siyang mananalo ng tumatagingting na P100,000 na cash prize.

Naisip naman ni Ivana na madali lamang para sa kanyang pamilya ang challenge kaya naman nakaisip siya ng isang pakulo para talagang ma-challenge niya kung gaano katibay ang kanyang pamilya.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Bago magsimula ang challenge ay pinainom muna ni Ivana ng tsaa ang kanyang Mommy Fatima at Kuya Hashim.

Walang kaalam-alam ang kanyang ina at kuya na ang tsaa na kanilang ininom ay siyang magiging sanhi ng paghilab ng kanilang mga tiyan.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Excited pa ang mga ito na inumin ang tsaa. Hindi nila alam na ito ang magiging dahilan kung bakit mag-uunahan silang umalis sa van.

Tuwang-tuwa naman si Ivana habang pinapanood ang kanyang ina at kuya na sinisimot ang baso ng tsaa.

At nagsimula na nga ang challenge. Isa-isang sumakay sa van sina Fatima, Hashim at Mona. Unang nakaramdam ng panghihilab ng tiyan ang kanyang Mommy Fatima. Makikita ang ‘discomfort’ sa mukha nito dulot ng tsaa na kanyang ininom.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa huli ay hindi na natiis ni Fatima ang nararamdamang paghilab ng tiyan at dali-dali itong bumaba ng van para pumunta sa kanilang bahay.

Bakas naman ang tuwa sa mukha ni Ivana dahil gumana ang kanyang naisip na strategy. Hindi rin nagtagal ay sumunod na ang kanyang kuya Hashim at mabilis na tumakbo papunta sa kanilang bahay.
Kaya naman si Mona at Ivana na lamang ang naiwan sa loob ng van.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ngunit hindi magpapatalo sina Fatima at Hashim. Para kasi makag@nti sa ‘pandaraya’ umano ni Ivana sa kanila ay may plano silang naisip.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kasabwat si Mona na nasa loob pa rin ng van ay ginapang ni Mommy Fatima si Ivana suot ang kanyang puting dress at nagpanggap bilang isang white lady.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Naging matagumpay naman ang pananakot ni Fatima dahil makikita sa reaksyon ni Ivana na nat@kot talaga ito. At dahil si Mona na lamang ang naiwan sa loob ng van kaya siya ang mag-uuwi sa P100,000 na cash prize.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Nakakatuwa naman si Mona dahil naisip nito na ibigay ang kalahati ng napanalunang pera sa kanyang Mommy Fatima at ang kalahati naman sa mga mapipili nilang maswerteng tagahanga.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa huli, ay nawala na ang pagtatampo ni Ivana sa kanyang pamilya dahil sa kanilang ginawang pananakot at nagyakapan silang magpamilya.

The post Mona Alawi, piniling ibigay ang napanalunang 100K cash prize sa kanilang ina at mga tagahanga appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments