Tingnan ang mga cute at makulit na posing ng anak ni Andi Eigenmann na si Baby Lilo

Sa latest Instagram post ng aktres na si Andi Eigenmann ay makikita ang cute na cute na posing ng anak niyang si Lilo.

Credit: Andi Eigenmann instagram

“Lilo and her many faces! For every pose I can do, she’s got 5!” panimula ng caption ni Andi. Talaga nga namang namana ni Lilo ang pagiging photogenic sa kaniyang ina at makikita sa mga litrato ang hilig ng bata sa pagpopose sa harap ng camera.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Ang kasunod na caption ng post ay,

“this was supposed to be to take a photo to mark my (almost) 29th week in pregnancy, having just entered the 3rd trimester and all, (and feeling every bit of it!LOL) but the focus is obviously now on her.”

Credit: Andi Eigenmann instagram

Dahil sa kacute-an ni Lilo ay siya ang naging bida sa photoshoot para sa pagbubuntis ng kaniyang ina at tuwang tuwa ang mga netizens sa kabibohan ng bata.

Si Andi ay buntis sa kaniyang ikalawang anak sa kaniyang partner na si Philmar Alipayo na isang champion surfer.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Ang couple ay nakatira ngayon sa Siargao kasama ng kanilang anak na si Lilo at si Ellie na panganay ni Andi sa kaniyang ex-partner na si Jake Ejercito.

Ayon sa aktres ay ang kaniyang mga anak ang kaniyang “reason for being” kaya naman kitang kita ang pagiging hands on mother niya sa kaniyang mga anak.

Credit: Andi Eigenmann instagram

Nagkakilala ang couple dahil sa kanilang hilig at pagmamahal sa surfing “We like spending most of our time in the ocean surfing. Surfing is our life. It’s what brought us together, and it’s one of the first things that I saw in Siargao that made me fall in love with it,” saad ng aktres.

Dahil sa pagtira ni Andi sa Siargao ay nagbago rin ang kaniyang lifestyle. Ayon kay Andi ay naging simple at chill ang buhay niya sa isla. Naging pescatarian na rin ang aktres kung saan gulay at mga seafoods ang kanilang diet.


“Some people may think that it’s boring but we love the things that we do. To us, it’s the best way to spend every day or most days of our lives. We wake up very early. We’re morning people; we love having breakfast together, whether it’s just at home or out at a nice café on the island,” sabi ng aktres at kahit na simple lang ang kanilang buhay ay mukhang napakasaya ng aktres sa buhay niya ngayon at sa kaniyang partner.

The post Tingnan ang mga cute at makulit na posing ng anak ni Andi Eigenmann na si Baby Lilo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments