Derek Ramsay, ibinida ang mga pagmamay-aring luxury car nang bumisita sa kanyang bahay si Dra Vicki Belo

Isa si Filipino-British actor Derek Ramsay sa mga pinakamatagumpay na artista sa Philippine showbiz industry.

Credit: Derek Ramsay Instagram

Sa dami ng mga TV show at pelikula na kanyang pinagbidahan ay hindi na nakapagtataka kung bakit nakapagpundar si Derek ng mala-resort sa laking bahay.

Nitong November 5, ay pinuntahan ni Dra. Vicki Belo at kanyang anak na si Scarlet Snow ang napakagandang three-story modern house ni Derek sa Alabang.

Ngunit maliban sa ganda ng kanyang bahay ay mayroon pang isang maipagmamalaki si Derek, iyon ay ang kanyang koleksyon ng mga magagara at mamahaling sasakyan.

Credit: Dra. Vicki Belo YouTube

Katulad ng kanyang bahay ay milyong-milyon din ang halaga ng kanyang mga sasakyan. Sa vlog ni Dra. Vicki ay makikita mo ang iba’t ibang klase ng mga luxury car na pagmamay-ari ni Derek. Mukha pa itong mga bagong bili dahil sa kintab at kinis ng mga sasakyan. Halatang mahal at iniingatan talaga ni Derek ang kanyang mga sasakyan.

Credit: Derek Ramsay Instagram

Samantala, malulula ka naman sa presyo ng mga sasakyan ni Derek.

Isa sa mga pagmamay-ari ni Derek ay isang Aston Martin DB11 na kung bibilhin ng brand new ay maaaring nagkakahalaga ng humigit-kumulang na 21 million base na rin sa artikulong inilathala ng Inquirer Mobility.

Credit: Dra. Vicki Belo YouTube

Sa pareho pa ring artikulo ng Inquirer Mobility, ay nakatala na umaaabot ng 28 milyon piso ang presyo naman ng kanyang pagmamay-aring 2019 Bentley Continental GT. Isa rin ito sa mga pinakamahal, pinakamabilis at maituturing na supercar na mula sa sikat top British luxury car manufacturer na Bentley Motors Limited.

Credit: Dra. Vicki Belo YouTube

Dahil sa ganda ng pagmamay-aring Bentley ni Derek ay pati si Dra. Vicki paborito na rin ito. Ayon pa nga kay Dra. Vicki, “dream car” umano niya ang nasabing sasakyan ni Derek.

Kung ibebenta nga raw ni Derek ang kanyang Bentley ay gusto ni Dra. Vicki na sa kanya ito ibenta ni Derek.

Credit: Dra. Vicki Belo YouTube

Ani Dra. Vicki sa vlog, “This is my dream car and I’m asking Derek when he sells this kung pwede sa akin nalang.”

Sobrang gara at astig din ng pulang Ferrari F12 Berlinetta ni Derek. Paborito ni Derek ang kanyang Ferrari at talaga namang hindi pa handa si Derek na ibenta ito. Kung titingnan mo naman ang presyo ng isang Ferrari F12 sa website ng Kelly Blue Book, umaabot sa mahigit 15 milyong piso ang halaga ng sports car.

Credit: Dra. Vicki Belo YouTube

Humigit-kumulang 15 milyong piso rin ang halaga ng pagmamay-aring Rolls-Royce Ghost ni Derek.

Credit: Dra. Vicki Belo YouTube

Mayroon ding nakalaang sasakyan si Derek para sa kanyang 16 na taong gulang na anak na lalaki na si Austin. Bumili si Derek ng isang Jimny na gawa ng isang Japanese car manufacturer. Ayon sa www.zigwheels.ph, ang isang Jimny ay maaaring nagkakahalaga ng higit sa isang milyon.

Credit: Dra. Vicki Belo YouTube

The post Derek Ramsay, ibinida ang mga pagmamay-aring luxury car nang bumisita sa kanyang bahay si Dra Vicki Belo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments