Malayo na nga ang narating ni Miss Universe Philippines 2011 3rd Runner Up Shamcey Supsup.
Ito ang inamin ng beauty queen na ngayon ay tumatayong National Director ng Miss Universe Philippines sa isang Instagram post kung saan ay binalikan niya ang kanyang simpleng buhay sa probinsya.
Sa kabila ng kanyang tagumpay at malaking pagbabago sa kanyang buhay ay hindi pa rin nakakalimutan ni Shamcey ang kanyang pinanggalingan.
Kamakailan nga ay ikwenento ni Shamcey ang buhay na kanyang kinagisnan sa probinsiya.
Kwento ni Shamcey, ipinanganak umano siya sa Iligan City ngunit lumaki siya sa General Santos City.
Isang farmer ang kanyang ama habang ang kanyang ina naman ay nagtatrabaho noon bilang isang Overseas Filipino Worker o OFW.
Dahil nag-iisang anak, madalas mga alagang hayop lamang daw ng kanyang ama ang kanyang kasama at nagiging kalaro.
Pagbabalik-tanaw ni Shamcey, “Bag-o ko nibalhin sa manila, sa katanggawan gyud ko nidako. Akong papang kay farmer. Wala mi silingan kay layo man mi sa barrio so wala koy gihimu kundi mag tuon lng sa balay kay ako lng man isa. Sa balay ang tao lng ako, akong papa ug auntie kay si mama OFW man. Aside sa ila, daghan mig pato, manok ug kabaw.”
(Bago ako lumipat ng manila, sa Katangawan (isang barangay sa General Santos) talaga ako lumaki. Ang aking papa ay farmer. Wala kaming kapitbahay kaya wala akong ginagawa kundi mag-aral lang sa bahay dahil nag-iisa lang naman ako [na anak]. Sa bahay ako lang, ang aking papa at auntie ang tao dahil si Mama ay isang OFW. Maliban sa kanila, marami kaming pato, manok at kalabaw.)
Ayon pa kay Shamcey, nagalit umano siya nang mag-desisyon ang kanyang ina na ilipat siya sa Manila para ipagpatuloy ang kanyang High School. Bukod sa hindi niya gustong lumipat ng eskwelahan, natakot umano noon si Shamcey na lumipat sa Manila dahil sa ‘baliko’ niyang pagta-Tagalog.
Ngunit sinabihan umano siya ng kanyang ina na kahit saan pa siya ilagay, kung totoo siyang matalino at masipag ay mag-e-excel pa rin siya.
Napatunayan naman daw niya ang sinabi ng kanyang ina dahil nakapagtapos siya bilang Salutatorian sa Makati High School at nakapasok sa University of the Philippines na aniya, ay ang kanyang ‘dream university’.
Sa huli, may nakaka-inspire na mensahe si Shamcey para sa mga kapwa niya ‘promdi’ o lumaki sa probinsya.
Ani ng beauty queen, “Kaya sa tanan na Promdi diha, ayaw mo maulaw o mahadlok kay world class pud mo, ako gani niabot sa universe! ” (Kaya sa lahat ng Promdi diyan, ‘wag kayong mahiya o matakot dahil world class din kayo, ako nga nakarating ng universe!)
Samantala, si Shamcey ay isa na ring ina sa dalawang anak nila ng kanyang asawang si Lloyd Lee.
The post Shamcey Supsup, ikwenento ang buhay na kinagisnan sa probinsya bago maging beauty queen appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments