Mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli, masayang nakidalo sa binyag ng kanilang pamangkin na si Gianna

Ang sikat ng couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na ikinasal noong nakaraang Pebrero ng taong 2020 ay dumalo sa binyag ng kanilang pamangkin na si Giorgia Francesca last weekend.

Credit: Giorgia Guidicelli-Dato instagram

Ang ate ni Matteo na si Giorgia ay nanganak noong nakaraang buwan at simula noon ay pinapakita na ng couple ang kanilang suporta sa kanilang pamangkin.

Naging close ang couple noong kanilang concert tour sa U.S noong 2013 at simula noon ay hindi na napaghiwalay ang dalawa hanggang sa sila ay magpakasal na. Sila ngayon ay 7 years nang magkasintahan ngayong taon.

Credit: Giorgia Guidicelli-Dato instagram

Noong Nobyembre 9 ay nagpost si Giorgia at Matteo sa kanilang mga Instagram ng mga snippets ng naging home baptism ni Gianna Francesca Guidicelli Dato na dinaluhan exclusively ng kanilang pamilya lamang.

Ang post ni Matteo na litrato kasama ang kaniyang asawa at ang pamilya ng kaniyang ate sa kaniyang instagram ay may caption na, “A beautiful Sunday with the family. Celebrating baby Gianna. ❤

Credit: Giorgia Guidicelli-Dato instagram

Marami namang mga netizens ang hindi naiwasang ma-imagine at ma-excite sa magiging anak ng couple sa hinaharap dahil sa mga pictures nila kasama ang kanilang pamangkin kaya naman maraming nagtatanong sa kanila kung kailan din ba sila magkaka-baby.

Ito ang iilan sa mga komento ng netizens:
“Soon Will meet Little Sarah or Little Matteo”
“When will Sarah n mateo have a baby …. we looking forward both of u… so excited… go go go while still u young ..”“Beautiful family! ❤ Ang cute ni baby gianna sana kuya matteo gawa na din kayo ni ate sarah ng ganyang ka cute na baby.”

Credit: Giorgia Guidicelli-Dato instagram

Sa post naman ni Georgia ay sinabi niyang ang church baptism ng kanilang anak ay nakaschedule pa sa susunod na taon at ito ang caption niya “Gianna Francesca’s blessing into the Catholic Faith, yesterday. Church Baptism to follow next year💖🌸

 

View this post on Instagram

 

A beautiful Sunday with the family. Celebrating baby Gianna. ❤

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

Hindi lang naman ang magkapatid na Guidicelli ang nagpakita ng suporta sa kanilang pamangkin. Ang kanilang ama na si Gianluca Guidicelli ay nagpost rin ng picture sa pag-uwi ng kaniyang apo sa kanilang tahanan,

“Welcoming home Gianna Francesca Guidicelli Dato with Nonno Gianluca Lola Glenna Tito Poalo, Matteo and Tita Sarah ….. very blessed to have you baby girl …. thank you mamma Giorgia and Papà Ian #guidicellifamily,” saad ng ama.

The post Mag-asawang Sarah at Matteo Guidicelli, masayang nakidalo sa binyag ng kanilang pamangkin na si Gianna appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments