Tignan ang masayang paglalaro at kulitan nina Maine Mendoza at Scarlet Snow Belo

Manang mana nga naman talaga si Scarlet Snow Belo sa kanyang mga magulang na sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Napakaganda at talagang adorable kid itong si Scarlet.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Marami na ring mga nagiging kaibigan si Scarlet. Mula sa kanyang mga ka edad at maging mas matanda sa kanya. Ang ilan pa nga dito ay nasa showbiz na talagang close na close si Scarlet.
Gaya na lamang ng couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Talagang masasabi mo nga namang close na close sila dahil nakuha pa nilang magbonding at mamasyal.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Noong minsan naman ay bumisita naman sa kanya at kanya ding nakasama ang Pambansang Bae na si Alden Richards. Talaga nga namang bigatin ang mga barkada ni Scarlet. Ngayon, ang kaniyang latest IG ay makikita ang kanyang kaibigan na rin ngayon na bumisita sa kanya na si Maine Mendoza, ang nag-iisang Dubsmash Queen ng bansa.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Enjoy na enjoy silang dalawa sa kanilang masayang play date. Talaga nga namang masasabi mo na close na close na agad sila dahil makikita sa IG ang kanilang nakakatuwang bonding.
Makikita din sa IG pics nila ang napakalaking tuwa sa kanilang mga mata na talaga namang mahahawa ka sa kanilang kasiyahan.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

“Good morning! It’s a beautiful day. Let’s thank God for friends and family and for all the happiness they bring us! And to pay it forward, let’s all make someone smile today,” saad ng IG caption ni Scarlet.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

Dapat nga namang ipagpasalamat sa Diyos ang mga mahahalagang tao sa ating mga buhay. Mula sa ating mga pamilya, kaibigan at espesyal na tao sa atin na nagbibigay saya at buhay sa ating mga puso. Walang papantay sa pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa atin kaya naman napakaswerte ni Scarlet na maraming tao ang lubos na nagmamahal sa kanya ng lubusan.

Credit: Scarlet Snow Belo instagram

The post Tignan ang masayang paglalaro at kulitan nina Maine Mendoza at Scarlet Snow Belo appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments