Netizens, naantig ang mga puso sa magkakapatid na kumakain ng niyog,toyo at asin dahil sa kawal@n ng pambili

Isang post sa Facebook ang nakaantig sa damdamin ng maraming netizens. Ito ang post ng isang facebook user na si Jopay T De Guia na mayroong 1.8k na Facebook reactions at 6.1k shares. Sa post na iyon ay makikita ang tatlong magkakapatid na kumakain at ang ulam lamang nila ay niyog, toyo at asin lamang.

Credit: Jopay T De Guia Facebook

Kung minsan pa ay hindi na nakakakain sa oras ang magkakapatid dahil wala silang makain kaya naman ay tinitiis at pinapalipas nalang nila ang kalam ng kanilang mga sikmura.

“Eto po ‘yung mga bata na wala nang mga magulang,” saad ng nagpost ng litrato na si Jopay. Ang mga bata ay ulil@ na dahil ang tatay nila ay n@mayap@ na noong Agosto 17, 2020 at ang kanilang ina ay sumama na sa kaniyang k@bit.

Ang panganay sa tatlong magkakapatid ang tumataguyod sa kanila at ito ay nagttrabaho sa paraang pagpapalaot sa karagatan.

Credit: Jopay T De Guia Facebook

Ang nagpost ng litrato ay nahabag sa kalagayan ng magkakapatid kaya naman nagpost upang ipaalam sa nakakarami ang sitwasyon ng mga bata. Humihingi siya ng tulong sa mga netizens ukol sa sitwasyon ng mga bata at ito ang saad niya “Wish ko lang po na sana may mabuting puso na matulungan po ang magkakapatid na’to dahil hindi naman po sumasapat ang tulong naming magkakapit-bahay.”

Ang magkakapatid ay matatagpuan sa Bicol, Purok 1A, Brgy. San Roque, Mercedes, Camarines Norte at ang mga nais tumulong sa mga magkakapatid ay maaring kontakin si Jopay T De Guia sa kaniyang facebook o sa kaniyang contact number na 0938-515-3341.

Credit: Jopay T De Guia Facebook

Sana nga naman ay makapagbukas sa mga isipan ng nakakarami ang post na ito na maraming Pilipino ang nahihirapan at kapos sa buhay. Lalong lalo na ngayong may p@ndemya. Sana ay maging bukas palad ang mga tao sa mga pamilyang nahihirapan tulad na lamang ng magkakapatid kaya naman tumulong tayo kung ating makakaya.

The post Netizens, naantig ang mga puso sa magkakapatid na kumakain ng niyog,toyo at asin dahil sa kawal@n ng pambili appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments