Masayang nagdiwang ng kanyang ika-34 na taong kaarawan ang aktres at first time mommy na si Dianne Medina nitong November 5.
Isang simpleng salu-salo ang ginanap sa bahay ng aktres kasama ang kanyang asawang si Rodjun Cruz at ilan nilang kapamilya at mga kaibigan.
Espesyal ang pagdiriwang ngayon ni Dianne ng kanyang kaarawan dahil sa first baby nila ni Rodjun na si Baby Rodolfo Joaquin Diego III.
Sa Instagram page ni Dianne, ay makikita ang ilang larawan kuha mula sa kanyang birthday celebration.
Sa kanyang ika-34 na taong kaarawan ay pinasalamatan naman ng aktres ang Panginoon para sa ‘gift of life and family’.
Isang sweet at special video naman ang ibinahagi ni Rodjun sa kanyang Instagram para batiin ang kanyang napakagandang asawa.
Saad ni Rodjun sa caption ng kanyang post, “To my love and my life, my beautiful wife, my best friend, my light and dance partner forever, happy happy birthday!”
Pinasalamatan din ni Rodjun si Dianne dahil umano ito ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon at kalakasan.
“Thank you for being my source of inspiration and strength,” mensahe pa ni Rodjun kay Dianne.
Dagdag ng aktor, “You never fail to amaze me every single day. Both @babyjoaquinilustre and I are very blessed to have you in our lives.”
Sa huling bahagi ng kanyang post ay sinabi ni Rodjun na inaabangan umano niya ang mga adventure nila ng kanyang asawa pati na rin umano ang pagkakaroon nila ng maraming anak sa hinaharap.
Ani Rodjun, “Looking forward to many more adventures with you, Joaquin & future babies haha! I thank God every day for you! I Love you so much @dianne_medina ”
Para naman kay Dianne best gift umano sa kanyang kaarawan ang pagdating ni Baby Joaquin.
“my best birthday gift ever thank you Lord ”, saad ni Dianne kalakip ng isang video kung saan makikita siyang pinanggigigilan ang kanyang napakagwapong anak. Ipinanganak ni Dianne ang unang anak nila ni Rodjun nitong September 10.
Samantala, Bumuhos naman ang mga birthday greeting mula sa mga kasamahan sa showbiz ng aktres. Kabilang sa mga bumati sa aktres sina Yasmien Kurdi, Kyline Alcantara, Shaira Diaz, at Max Collins.
The post Dianne Medina, masayang nagdiwang ng kanyang 34th birthday; Rodjun Cruz may sweet birthday message sa asawa! appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments