Ina Raymundo, ipinasilip ang loob ng kanyang bahay na nagmistulang indoor garden dahil sa dami ng alagang halaman

Ang pag-aalaga ng mga halaman ay isa sa mga pangunahing aktibidad na ginawa ng karamihan sa atin ngayong panahon ng qu@rantine. Marami sa atin ang niyakap ang tungkulin na kalakip ng titulong ‘plantita’ o ‘plantito’.

Credit: Ina Raymundo Instagram

Isa sa mga ito ang aktres na si Ina Raymundo na kamakailan ay ipinakita ang kanyang koleksyon ng magagandang indoor plants. Aminado si Ina na baguhan pa lamang siya sa pag-aalaga ng mga halaman ngunit pakiramdam niya ay may malalim siyang koneksyon sa mga ito.

Credit: Ina Raymundo Instagram

Umaasa si Ina na sa pamamagitan ng pagbabahagi niya ng video ng kanyang mga halaman ay makapagbigay ito ng ngiti sa mukha ng ibang tao.

Credit: Ina Raymundo Instagram

“Quick House Plant Tour 🌿🌿🌿 To all the plant lovers out there, here’s a quick tour showing my collection while Anika plays the song from the movie “UP”. 🎈🎈 Hope this brings a smile to your face as it does to me when I look at other people’s plants.😊 Btw, our Christmas tree is up. My friend @PatrickMalinis made it look so pretty using the same ornaments that we’ve had for years. 🎄🎄🎄 (P.S.: Got most of my plants from @PGDBotanique. Check it out!),” ani Ina sa caption ng kanyang i-pinost na video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ina Raymundo (@inaraymundo95)

Dahil sa dami ng kanyang mga halaman, ay nagmistulang isang indoor garden na ang loob ng bahay ni Ina. Nakakarelaks din na tingnan ang buhay na buhay niyang mga alagang halaman.

Credit: Ina Raymundo Instagram

Sa comment section, sinagot ni Ina ang ilan sa mga katanungan ng kanyang mga follower na gustong malaman kung paano niya inaalagaan ang kanyang mga halaman. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang pag-aalaga ng halaman ay hindi madali dahil kailangan talagang matutukan at maalagaan nang mabuti ang mga ito. Ibinunyag ni Ina na gumagamit siya ng “oil moisture meter” para malaman kung kailangan na ba ng kanyang mga halaman na diligan ng tubig.

Credit: Ina Raymundo Instagram

Ayon pa kay Ina, ang iskedyul ng kanyang pagdidilig ay nakadepende rin umano sa uri ng halaman. May mga pagmamay-ari kasi siyang halaman na kailangan lamang diligan ng isang beses, dalawang beses o tatlong beses sa isang linggo. May ilan din umano na kailangan diligan ng tubig isang beses lamang sa loob ng 10 araw.

Credit: Ina Raymundo Instagram

Sa huli, ibinahagi ni Ina ang isa pa niyang sekreto kung bakit malusog at buhay na buhay ang kanyang mga pagmamay-aring halaman.

Credit: Ina Raymundo Instagram

Ani Ina, “@cocoitusbeerwar Since I have a lot of time staying home, I’m very hands on. Always checking on them & making sure that they are watered regularly & give them food/fertilizer) I even asked my young daughter that if she sees something unusual with the plants, she has to report it to mommy right away.”

The post Ina Raymundo, ipinasilip ang loob ng kanyang bahay na nagmistulang indoor garden dahil sa dami ng alagang halaman appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments