Aktres na si Julia Montes, sinabing sobrang abala ngayon sa pag-aaral habang mayroong p@ndemya

Kilala natin ang aktres na si Julia Montes sa kanyang galing sa pag-arte kaya naman naging sikat siya at talagang inaabangan ng mga fans. Pero bukod sa pag-aartista, isa rin sa mga pinagkakaabalahan ni Julia ay ang kanyang pag-aaral.

Credit: Julia Montes instagram

Gaya na lamang ng kanyang latest Instagram post na makikita na siya ay nag-aaral bilang restaurateur. Pinasalamatan niya ang kanyang eskwelahan na Southville International School and Colleges na tumulong talaga sa kanya na maabot ang kanyang mga pangarap na makapagtayo ng kanyang sariling restaurant.

Credit: Julia Montes instagram

Ayon sa post, ipinakita niya ang kanyang pag-aaral habang siya ay umiinom ng kanyang paboritong kape.

Credit: Julia Montes instagram

“Who said you can’t wear uniforms? Studying while having the luxury of having my fave coffee. Thank you @southville_is for helping me step by step [towards] achieving my dream on putting up my own restaurant. Looking forward every time I have classes,” saad ni Julia sa kanyang IG.

Credit: Julia Montes instagram

Matatandaang noong Setyembre ay inanunsyo noon ni Julia na nakabalik na siya sa pag-aaral sa gitna ng p@ndemya. Kaya naman, para kay Julia ito raw ay talagang kr!sis na naging oportunidad.

Credit: Julia Montes instagram

“This is how I turn a cr!sis into an opportunity, doing things I’ve always wanted now that I have the luxury of time,” pahayag ni Julia.

Credit: Julia Montes instagram

Si Julia ay isa ding graduate ng culinary school kaya naman tamang tama para sa kaniya ang propesyon na ito. Taong 2015 ng makapagtapos siya sa culinary course mula sa Center of Culinary Arts Manila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Bukod naman dito, tuloy tuloy pa rin si Julia sa paggawa ng mga pelikula at teleserye. Siya ay bibida sana sa bagong serye na Burado na makakasama na si Nadine Lustre. Ngunit dahil sa p@nd3mya, ay nakansela ang sh00ting at ang pagpoproduce nito noong Agosto dahil sa C0VlD r3str!ctions. Ilan sa mga planong i sh00t sana ay mga action series sa Thailand, Cambodia, at India.

The post Aktres na si Julia Montes, sinabing sobrang abala ngayon sa pag-aaral habang mayroong p@ndemya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments