Aktres at modelo na si Regine Angeles, nanganak na sa kanyang baby number 2!

Ipinanganak na ni Regine Angeles ang ikalawang anak nila ng kanyang model husband na si Van Victor Leano. Sa isang Instagram post nitong November 1, ay ibinalita ni Regine na nanganak na siya.

Credit: @regineangeles Instagram     

Nitong Linggo, October 31, ay ipinanganak ni Regine ang kanilang malusog at napakagandang baby girl na pinangalanan nilang Kaia Rosalie “via normal delivery” sa St. Luke’s Medical Center. Nag-post ng mga larawan ang aktres sa kanyang Instagram kuha mula sa delivery room.

Kahit na nahirapan sa kanyang panganganak ay kapansin-pansin ang kasiyahan sa mukha ni Regine habang kalong-kalong sa kanyang dibdib ang kanilang baby girl ni Van Victor. May kalakihan daw umano kasi ang kanilang baby girl.

Credit: @regineangeles Instagram

Sa caption, ay nagpapasalamat naman si Regine sa Diyos dahil naging maayos ang kanyang panganganak.

Saad ni Regine sa caption, “Hello world! Gave birth via normal delivery last night (Oct 31) to our baby girl Kaia Rosalie at 10pm. Thank you so much @thejavismd for helping me get through this kahit na ang laki laki ni baby 😅🥰 Thank you Lord for this wonderful blessing! 💕🙏

Credit: @regineangeles Instagram

Kahit na naka-facemask ay mababakas naman ang kasiyahan sa mukha ni Van Victor.

Sa comment section ay bumuhos ang congratulatory messages para kina Regine at Van Victor.

“Congratulations again nakchy🥰🥰🥰 another great blessing,,, Amen 🙏 🙏 🙏 🤗🤗🤗💖💖💖

Credit: @regineangeles Instagram

“Congratulations sis & bro van @regineangeles 😊🤱❤🙏

“Congrats, ate Regine.❤

“Congrats sis! Ang swerte, kabirthday pa ni Sir ❤

Credit: @regineangeles Instagram

Nitong October 29 lamang din ay ipinagdiwang ni Regine ang kanyang ika-35 taong kaarawan.
Sa kanyang Instagram ay isang appreciation post ang ibinahagi ni Van Victor para sa kanyang napakagandang asawa.

Ayon kay Van Victor, saludo umano siya sa pagsasakripisyo na ginawa ni Regine para sa kanilang pamilya.

Ani Van Victor sa caption, “Maligayang Kaarawan sa aking Marikit.😂 Saludo ako sayo kasi kitang kita ko hirap mo sa pag bubuntis mo nitong pandemya.”

Credit: @regineangeles Instagram

Dagdag pa ni Van Victor, “Mas topakin pa ata ako kesa sayo ngayon e. Dahil jan, ang regalo ko sayo ay baby number 3. 😂😂 Mahal na mahal kita. 😍❤❤ #marikit #familialeaño”

January 10, 2016 ikinasal sina Regine at Van Victor sa Iglesia ni Cristo-Lokal ng Capitol sa Quezon City. Ang kanilang panganay na anak na si Viktor Alesso ay ipinagdiwang naman ang kanyang ikatatlong kaarawan nito lamang October.

The post Aktres at modelo na si Regine Angeles, nanganak na sa kanyang baby number 2! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments