Baby Dahlia, sobrang cute sa kanyang 8 month photoshoot na style at kuha ng kanyang magulang na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff

Noong November 2 ay marami ang nag-aabang na mga fans sa ilalabas na larawan ni Anne para sa traditional monthly photoshoot ni Baby Dahlia bilang pag marka ng kanyang eight month old. Kung saan kada buwan ay may sariling pa photo shoot si Anne para kay baby Dahlia.

Credit: Anne Curtis instagram

Ngunit natapos nga ang araw ay wala pang nilabas na larawan si Anne, kinabukasan naman ay maagang nag post si Anne ng mga magagandang bulaklak lamang, marami nga ang nag tanong at naghahanap kay baby Dahila sa picture. Kaya naman pinost ni Anne ang napaka ganda at nakakatuwang larawan ni Baby Dahlia.

Credit: Anne Curtis instagram

Narito nga ang ibinahagi ni Anne sa kanyang instagram na may caption na,“Baaaaah 🤗Yesterday, marked 8 months of being with my real life Doll-Dahlia.So many milestones this month – one being crawling hence the STRUGGLE taking this picture and the need to put a toy to keep this super kulit & cheeky little coccinelle in place 🐞 I wonder if I’ll still be able to take a piccie next month? 😅
Love her to bits and pieces.Styling & Set Design: Mummy AnnePhotographer: Mummy Anne
HypeMan: Papa Erwan”

Credit: Anne Curtis instagram

Makikita naman na nag eenjoy si baby Dahlia sa kanyang laruan habang kinukuhanan ito ng picture ni Anne.Samantala si Anne rin naman ang pumili ng damit na suot ni Dahlia at sa disenyo na kinalabasan ng photoshoot.

Credit: Anne Curtis instagram

Ayon pa kay Anne ay hindi na ganon kadali kuhanan ng picture si Baby Dahlia dahil nga gumagapang na ito at hindi mapirmi sa isang lugar.

Kung dati ay pahapyaw lang ang pinapakita ni Anne sa paglaki ni Dahlia ay ngayon nga pinapakita na nila mula sa mga videos kung gaano na kabilis gumapang si baby Dahlia at curious na nga ito sa kanyang mga nakikita sa paligid na labis naman ikinatutuwa ng kanilang mga fans.

The post Baby Dahlia, sobrang cute sa kanyang 8 month photoshoot na style at kuha ng kanyang magulang na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments