Hindi mo aakalain na ang ilan sa mga artistang ito ay magkakamag-anak pala

Marami ang nagsasabing napakaliit ng mundo ng showbiz pero kahit maliit ito ay marami ang hindi nakakaalam na ang iba palang sikat na mga artista ay magkakamag-anak.

Ito ang listahan sa mga iilan sa mga artista na hindi mo aakalain ay magkamag-anak pala.

1. Ogie Alcasid at Ai-Ai delas Alas

Credit: Ogie Alcasid Instagram
Credit: AI AI DELAS ALAS Instagram

Ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid ay pinsan ng komedyanteng si Ai-Ai.

2. Coco Martin at Maine Mendoza

Credit: daffodilsgallery Instagram

Distant relatives sila Coco at Maine. Nalaman nila ito nang nagkaroon sila ng family reunion sa Bulacan. Ikwinento ni Maine na nasa magkabilang dulo sila ng pagkalaki-laking family tree nila.

3. Maja Salvador at Josh Aquino Salvador

Credit: Maja Salvador Instagram
Credit: Kris Aquino Instagram

Pinsan ni Maja ang anak nila Kris Aquino at Phillip Salvador na si Josh. Ito ay dahil tito ni Maja si Phillip.

4. Ria Atayde at Coleen Garcia

Credit: Metrophoto

Si Ria ay third cousin ng aktres at host na si Coleen Garcia. Kung idedescribe daw ang closeness nilang dalawa ay para nang magkapatid ang kanilang turingan.

5. Eula Valdes at Paolo Ballesteros

Credit: Eula Valdes Instagram
Credit: Paolo Ballesteros Instagram

Ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros ay pamangkin ng batikang aktres na si Eula Valdes. Ito ay dahil magkapatid ang nanay ni Eula at ang lola ni Paolo.

6. Lorna Tolentino at Karylle Tatlonghari

Credit: lornatolentinof Instagram
Credit: Ana Karylle Instagram

Tiyahin ng singer-host na si Karylle ang batikang aktres na si Lorna. Ito ay dahil magpinsan si Lorna at ina ni Karylle na si Zsa Zsa Padilla.

7. KC Concepcion at Helen Gamboa

Credit: KC Concepcion Instagram
Credit: Tito Sotto Instagram  

Si Helen ay lola ni KC dahil tita ng kanyang inang si Sharon Cuneta si Helen.

8. Isabelle Daza at Georgina Wilson

Credit: Isabelle Daza Instagram

Ang “It girls” na sila Isabelle at Georgina ay magpinsan dahil magkapatid ang kanilang mga nanay.

9. Heaven Peralejo at Rica Peralejo-Bonifacio

Credit: Heaven Peralejo Instagram
Credit: Rica Peralejo-Bonifacio Instagram

Si Rica ay tita ng dalagang aktres na si Heaven.

10. Sid Lucero at Andi Eigenmann

Credit: Sid Lucero Instagram

Si Sid ay half-brother ni Andi dahil pareho nilang ama si Mark Gil.

Ang mga listahan na nabanggit ay iilan lamang sa maraming magkakamag-anak sa mundo ng showbiz dahil ang iba ay halos buong angkan na ang naging artista o di naman kaya ay naging host ng isang show o singer.

Sinu-sino pa bang mga kilala ninyong magkakamag-anak sa mundo ng showbiz?

The post Hindi mo aakalain na ang ilan sa mga artistang ito ay magkakamag-anak pala appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments