Heaven Peralejo, labis ang pasasalamat sa pamilya ng kanyang dating nobyo na si Jimuel Pacquiao sa pagtatanggol sa kanya

Isa sa mga kontrobersiya na kinasangkutan ngayon taon ni Kapamilya actress Heaven Peralejo ay ang akusasyon ng kolumnistang si Lolit Solis tungkol sa umano ay panghihingi niya ng ‘ayuda’ sa pamilya ng kanyang dating nobyo na si Jimuel Pacquiao.

Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube    

Matatandaang nitong September 12 ay nag-post si Lolit sa kanyang Instagram at sinabing nag-text umano si Heaven sa ama ni Jimuel para humingi ng tulong. Idinagdag pa ni Lolit sa kanyang post ang pagbibigay naman ng ina ni Jimuel ng P100K kay Heaven.

Agad namang itong pinabulaanan ni Heaven at maging si Jimuel at kanyang ina na si Jinkee ay pinasisinungalingan din ang akusasyon ni Lolit.

Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube

Naglabas ng pahayag si Jimuel at Jinkee para sabihin na walang katotohanan ang mga akusasyon ni Lolit. Dahil nga rito, ay nag-sorry si Lolit kay Heaven at binawi ang lahat ng kanyang akusasyon.

Nitong Lunes, November 23 naman nang mag-guest si Heaven sa “Magandang Buhay” ay inamin niya na labis na nasaktan hindi lamang siya kung hindi pati na rin ang kanyang ina sa mga maling akusasyon laban sa kanya.

Kwento ni Heaven, “At that time po kasi sobrang alam niyo po ‘yung sumabog na po ako. Hindi ko na kaya na ganoon ang perspective sa akin ng mga tao kasi hindi naman totoo and nasasaktan ‘yung mom ko.”

Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube

Dagdag ni Heaven, “For me, mas masakit makita ‘yung mom mo na nasasaktan. Nakita ko talaga siya noon. So sabi ko, ‘Lord, please naman tulungan niyo ako kasi hindi ko na alam'”

Ikwenento rin ni Heaven na noong mga panahon na lumabas ang isyu tungkol sa panghihingi umano niya ng ‘ayuda’ ay nag-reach out umano sa kanya si Jimuel at tinanong kung maayos lang ba siya.

Credit: @heavenperalejo Instagram

Ani Heaven, “Siyempre, although we ended in good terms kami ni Jim, of course, wala na po kaming communication sa isa’t isa po. Then sumakto lang din alam mo ‘yung ‘Heaven, how are you, how are young doing?'”

Ayon pa kay Heaven, maging si Jinkee ay kinausap din umano siya.

Credit: @heavenperalejo Instagram

Aniya. “Si Tita rin, nag-reach out din siya. Sabi niya, ‘What can I do for you?’ Kasi sabi ko, ‘Tita, nahihirapan na ang mom ko, nasasaktan ako para sa nanfay ko.’ Tapos sabi niya, ‘Sige. Tutulungan kita.’ Sabi niya, ‘Hindi naman totoo ‘yan eh.’ So nagsalita siya, silang pamilya, si Jim and si Tita Jinkee.”

Sobrang nagpapasalamat naman si Heaven sa pamilyang Pacquiao pati na rin sa kanyang ina at sa ABS-CBN dahil prinotektahan umano siya ng mga ito.

Credit: @heavenperalejo Instagram

“Sabi ko, ‘Tita, thank you so much kasi finally, alam niyo parang nawala ‘yung bigat sa loob ko na feeling ko fresh start ulit.’ Sobrang grateful ako sa kanila, sa mom ko, and sa ABS-CBN for protecting me.”

The post Heaven Peralejo, labis ang pasasalamat sa pamilya ng kanyang dating nobyo na si Jimuel Pacquiao sa pagtatanggol sa kanya appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments