Vice Ganda, ipinasilip ang kanyang bagong biling bahay na bongga sa amenities!

Isa sa mga pinakamatagumpay sa larangan ng pagpapatawa si ‘Unkabogable Star’ Vice Ganda.Sa tagal ng pagbibigay saya ni Vice sa pamamagitan ng kanyang mga box-office hit na pelikula, TV show at ngayon paggawa ng content sa YouTube ay hindi na nakapagtataka kung bakit siya nakapagpundar ng maraming ari-arian.

Source: VICE GANDA youtube

Nitong October 7, ipinasilip ni Vice sa kanyang vlog ang kanyang bagong bahay na nabili niya anim na taon na ang nakalipas.

Source: VICE GANDA youtube

Ibinahagi ni Vice na binili niya ang lupa para sa kanyang lolo. Sa kasamaang palad, ay pum@naw ito kaya ilang taon din umanong natengga ang lupa dahil nawalan siya ng gana na patayuan ito ng bahay.

Source: VICE GANDA youtube

Aniya, “Binili ko ‘to para sa lolo ko. Nung n@m@tay ang lolo ko, sobrang nalungk0t ako, nawalan ako ng gan@ng ip@tayo siya…”Dahil umano sa ganda ng property, kaya hindi ito ibinenta ng TV host-comedian. Sa loob lamang ng tatlong taon ay natapos ang kontruksyon ng bahay.

Source: VICE GANDA youtube

Ayon pa kay Vice, March ngayon taon sana ay makakalilipat na siya ngunit dahil sa p@ndemya ay hindi ito natuloy.Kwento ni Vice, “Nag-lockdown, so hindi ako nakalipat…So ngayon, lumuluwag na ulit kaya unti-unti papalipat na kami.”

Source: VICE GANDA youtube

Industrial design ang napili ng “It’s Showtime” host na maging desenyo ng kanyang bagong bahay.Pagpasok sa bahay, bubungad agad sa iyo ang napakalawak na living room area. High-ceiling ito kaya napakaluwang nitong tingnan.

Ikinwenento rin ni Vice na pinalagyan niya ng elevator ang bahay para hindi na mahirapan ang kanyang nanay.

Source: VICE GANDA youtube

Kwento ni Vice, “May elevator kasi s’yempre ‘yung nanay ko pagpupunta rito, masakit ‘yung tuhod, hindi niya kakayaning umakyat. Kaya nagpagawa ako ng elevator for her.”
Mahilig sa telebisyon si Vice kaya hindi mawawala ang TV room kung saan makikita ang 110 inches TV niya.

Source: VICE GANDA youtube

Sunod na ipinakita ni Vice ang kanyang napalinis na dining area.Sa kanyang kitchen area, ay highlight ang ipinalagay niyang ‘dumbwaiter’.

Source: VICE GANDA youtube

Ang dumbwaiter ay isang maliit na freight elevator or lift na siyang magdadala ng pagkain ni Vice mula sa kusina papunta sa kanyang kwarto.

Mamangha ka naman sa dirty kitchen ni Vice dahil mistulang kusina ito ng isang hotel sa laki.

Source: VICE GANDA youtube

Napaka-komportable rin ng mga kwarto na pinagawa ni Vice para sa kanyang mga kasambahay, drayber at security guard.Ipinakita rin ni Vice ang kanyang eight-car garage.

Mabibighani ka naman sa 6 feet elevated glass pool ng bahay ng komedyante. Maliban sa swimming pool, ay nagpalagay din ng Jacuzzi si Vice para sa kanyang nanay.

Source: VICE GANDA youtube

Sa tabi lang ng swimming pool, makikita naman ang bar area.
Ibinahagi rin ni Vice, na ang pinaka-nagustuhan niya sa kanyang bagong patayong bahay ay ang kanyang spa at sauna room.Huling ipinasilip ni Vice ang recreational area ng bahay na balak niyang gawing party area.

Source: VICE GANDA youtube

The post Vice Ganda, ipinasilip ang kanyang bagong biling bahay na bongga sa amenities! appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments