Proud na ipinakilala ni actress Bela Padilla ang kanyang bagong nobyo na si Norman Ben Bay.Nitong October 6, ay kinumpirma ni Bela sa kanyang Instagram ang kanyang new-found love.
Ayon sa caption ng Instagram post ni Bela, nakikilala niya si Ben sa kasagsagan ng kanyang taping para sa 2018 Box-office hit movie niya kasama si Carlo Aquino na “Meet Me in St. Gallen.”
Caption ni Bela sa IG post, “The one I met in St. Gallen by @orciborci”
Maliban sa IG post, kinumpirma mismo ni Bela na nakilala niya si Ben sa taping ng pelikula na ginanap sa St. Gallen, isang town sa Switzerland.
Tanong ng isang IG follower ni Bela, “Wait, you guys literally met in St. Gallen when you were filming the movie namesake? Cutieeeeee”Tugon naman ni Bela sa netizen, “@askphotoqueries yup ”
Sa larawan na ibinahagi ni Bela ay makikita silang dalawa ni Ben na ini-enjoy ang napakagandang sunset sa Rose Valley, Cappadocia Turkey.
Masaya naman ang mga kaibigang artista ni Bela para sa kanya.
Ilan sa mga nag-komento sa IG post ni Bela ay sina Arci Muñoz, Derek Antoinette Jadaone at Agot Isidro.
Komento ni Arci, “Aba aba aba?!!! Paano na si lovejoy?!! Haha soo happy for you belat!!!!”
Saad naman ni Derek Antoinette, “@bela lakas maka-dalaga nung 2nd peektyur mamiiii may dumi ba sa mukha ko???”Sabi ni Agot, “Aaaay iba ka din naman”
Wala namang paglagyan ang kasiyahan ng isa sa mga matalik na kaibigan ni Bela na si Dani Barretto.Ani Dani, “My heart is so freakin happy right now!!!”
Samantala, sa kanyang naunang Instagram post ay ikwenento naman ni Bela ang kanyang naging karanasan nang magbakasyon siya sa Turkey.
Kwento ni Bela, “As seen in this photo, my head is still up in the clouds in Cappadocia. I’m really super thankful that my job takes me to places I’ve never been before or never thought I’d go to…because honestly, I’m not one to go to touristy places, so Cappadocia was low on my list of places to visit. But now, I consider it one of my safe havens.”
Dagdag ng aktres, “Cappadocia is so beautiful and charming. They have great food and wine and even better people. I luckily got to meet some of the best ones! Their street animals are kind and calm, a great testament to how their treated.
And the view is just beautiful from any point. (My peripherals haven’t been as blessed as they have in the last two weeks.) I love everything about this trip so so much… by @nocir ”
Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Bela ay si film producer at ngayo’y fiancee ni Angel Locsin na si Neil Arce.
The post Bela Padilla, proud na ipinakilala ang bagong boyfriend na nakilala niya sa St. Gallen, Switzerland appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments