Toni Gonzaga at Derek Paul Soriano, naghanda ng isang simple at intimate party para sa 4th birthday ni Seve

Masayang ipinagdiwang ng anak nina Toni Gonzaga at Derek Paul Soriano na si Severiano Elliott o kilala bilang ‘Seve’ ng lahat ang kanyang ikaapat na kaarawan nitong September 30.

Credit: Paul Soriano Instagram

Sa Instagram, ibinahagi ng ‘Ultimate Multimedia Star’ ang ilang mga larawan na kinunan mula sa inihanda nilang birthday celebration para kay Seve.

Credit: Celestine Gonzaga Soriano Instagram

Sa caption ng kanyang post ay sinabi ni Toni na paboritong araw umano nila ni Derek Paul ang kaarawan ng kanilang unico hijo.

Ani Toni, “Our favorite day of the year! Happy birthday Seve! We love you so much!”

Credit: Celestine Gonzaga Soriano Instagram

Simple at intimate lang ang nangyaring pagdiriwang ng pamilyang Soriano sa kaarawan ni Seve. Makikita sa larawang ibinahagi ni Toni ang mga balloon at banderitas na nagsilbing dekorasyon sa birthday party ng anak.

Credit: Celestine Gonzaga Soriano Instagram

Mismong si Derek Paul naman ang nagbigay ng sorbetes para kay Seve. Kapansin-pansin sa mga ngiti ni Seve na nasiyahan ito sa inihandang party ng kanyang mga magulang para sa kanya.

Credit: Celestine Gonzaga Soriano Instagram

Sa isa pang Instagram post, ibinahagi ni Toni ang isang video kung saan mapapanood si Seve na masayang sumasayaw.

Ani Toni sa caption ng IG video, “His birthday dance! Go Sevs!”

 

View this post on Instagram

 

From baptism to his 4th! We are so delighted to see you grow with so much joy. Happy happy birthday, Seve! 💙 #seve #cocoonstudioph

A post shared by Cocoon Studio (@cocoonstudioph) on


Ginanap ang nasabing birthday party sa The Monochrome Nuvali sa Sta. Rosa City, Laguna. Tanging ang pamilya lang ni Derek Paul ang nakadalo sa kaarawan ni Seve base sa mga larawang ibinahagi ng celebrity couple sa Instagram.

Credit: Celestine Gonzaga Soriano Instagram

Kahit na hindi nakadalo ang mga magulang at kapatid ni Toni, tiniyak nilang ipahayag ang kanilang pagmamahal at kaligayahan sa kaarawan ni Seve sa pamamagitan ng kanilang napaka-sweet na birthday messages.

Mensahe ni Mommy Pinty Gonzaga sa apo, “hi my cute seve boy happiest birthday apo [heart emoji] sorry we missed your party. more birthday to come more blessings and good health! love you always pogiiii [heart emoji]”

Credit: Alex Gonzaga Instagram

Sabi naman ni actress-vlogger Alex Gonzaga, “Happy Birthday Seve!! Tata will always be here for you as the cooler 2nd mom! Hihihihih love you baby! @severianoelliott”

Nagpaabot din ng kanilang birthday messages ang ilang kasamahan nina Toni at Derek Paul sa showbiz.

Credit: Celestine Gonzaga Soriano Instagram

Ani Melai Cantiveros-Francisco, “Happy Birthday Seve boy mahal”

Saad naman ni Candy Pangilinan, “Big boy na siya! Happy birthday!”

Komento naman ni Julia Barretto sa post ni Toni, “Happy birthday Seve!”

The post Toni Gonzaga at Derek Paul Soriano, naghanda ng isang simple at intimate party para sa 4th birthday ni Seve appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments