Bernadette Allyson, ipinasilip ang napakalaking farm nila sa probinsya ng Quezon

Credit: Bernadette Allyson-Estrada instagram

Ini-enjoy ngayon ng celebrity couple na sina Bernadette Allyson at Gary Estrada ang tahimik at masaganang buhay sa kanilang bahay sa probinsiya ng San Antonio, Quezon.

 

View this post on Instagram

 

Blending in 🌱🌿🍃 #buhayprobinsya #nature #freshair

A post shared by Bernadette Allyson-Estrada (@bernadetteallyson_e) on


Sa Instagram account ni Bernadette, ay ipinasilip niya ang simple ngunit masayang buhay ngayong panahon ng qu@rantine kasama si Gary at ang kanilang tatlong anak na sina Garielle, Gabby at Gianna.

Credit: Bernadette Allyson-Estrada instagram

Nagsilbing bonding ng pamilya ngayong panahon ng qu@rantine ang sabay-sabay na paggawa ng mga gawaing bahay, pag-eehersisyo at paglalaro ng sports.
Maliban dito, ibinahagi rin ni Bernadette sa kanyang Instagram ang ilang larawan ng kanilang farm na malapit na umanong matapos.

Credit: Bernadette Allyson-Estrada instagram

Ani Bernadette sa caption ng IG post, “Our own little “farmville” will soon be a reality. #slowlybutsurely #smallsteadyprogress Lord kayo na po bahala”Malawak ang pagmamay-aring lupain nina Bernadette at Gary sa probinsiya kaya naisipan nilang gawin itong farmland.

Credit: Bernadette Allyson-Estrada instagram

Sa kanyang Instagram, nagbahagi rin si Gary ng isang video kung saan makikita ang napakalawak nilang farmland na magsisilbi umanong taniman ng mais.
Caption ni Gary sa IG video, “our future corn field”Marami naman ang natuwa para sa mag-asawa dahil sa sa pagkakaroon nila ng sariling corn field.

Credit: Bernadette Allyson-Estrada instagram

Ani ng netizens:
“Kaka miss ang Quezon! Congrats Ganda and Pogifren! GOd Bless you more! Hugs hugs”
“Ganda naman couple power stay safe God bless””Sarap buhay probinsiya””God bless sa inyong mag-asawa””Ang ganda ng lugar… macopa po b un bunga ninyo”
“Good luck & all the best Berns & Gary! Miss you guys”

Credit: Bernadette Allyson-Estrada instagram

Sumikat at nakilala noong dekada ’90 si Bernadette nang mapasali siya sa original cast ng TV drama series na “Thank God, It’s Sabado” kasama sina Bobby Andrews, Onemig Bondoc, Angelu de Leon at Michael Flores.19 na taon nang kasal sina Bernadette at Gary. Unang nagkita sina Bernadette at Gary sa set ng 1996 drama film na “Ikaw Naman Ang Iiyak”.

 

View this post on Instagram

 

Our own little “farmville” will soon be a reality. #slowlybutsurely #smallsteadyprogress 🙏🙏🙏 Lord kayo na po bahala.

A post shared by Bernadette Allyson-Estrada (@bernadetteallyson_e) on


Si Bernadette ay pangalawang asawa na ni Gary. Unang ikinasal ang actor turned politician sa dating aktres na si Cheska Diaz kung saan ay biniyayaan sila ng isang anak na si Kapuso actor Kiko Estrada.

 

The post Bernadette Allyson, ipinasilip ang napakalaking farm nila sa probinsya ng Quezon appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments