Tingnan ang cute photo ng anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia na suot ang kanyang ‘sunnies’

Kinagigiliwan ngayon sa social media ang cute photo ng anak nina restaurateur-food vlogger Erwan Heussaff at TV actress-model Anne Curtis-Smith na si Baby Dahlia Amèlie.
Ibinahagi ng first-time dad na si Erwan sa kanyang Instagram nitong October 1, ang larawan ni Baby Dahlia Amèlie na cute na cute sa kanyang suot na sunglasses o ‘sunnies’.

Credit: Anne Curtis instagram

Tila kahit na hindi minana ni Baby Dahlia Amèlie ang facial feature ng kanyang Mommy Anne, kapansin-pansin naman na siya ay ‘little version’ ni Anne dahil sa kanyang pagiging ‘kikay’ at ‘fashionista’.

Credit: Anne Curtis instagram

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagbahagi sina Erwan at Anne ng mga cute at stylish photo ni Baby Dahlia Amèlie.Maswerte ang anak ng celebrity couple dahil may sarili siyang photographer sa katauhan ng kanyang Daddy Erwan na kilala dahil sa galing nito sa photography at videography. Bukod dito, ay may personal glam team din si Baby Dahlia Amèlie dahil kilalang mahilig sa fashion si Anne.

Credit: Anne Curtis instagram

Sa comment section ng nasabing IG post ay bumaha ang maraming ‘appreciation’ comments para kay Baby Dahlia Amèlie.Ayon sa komento ng kapatid ni Anne na si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith, may kalaban na umano ang aktres sa ‘sunnies game’.
Ani Jasmine, “May k@laban ka na sa sunnies game @annecurtissmith!!!!!!”
Tugon naman ni Anne sa komento ng kapatid, “@jascurtissmith she got it from her mumma”

Credit: Anne Curtis instagram

Narito naman ang ilang komento ng netizens sa cute photo ni Baby Dahlia Amèlie:
“Napaka cute naman grabe””Superrrr cutie!!!!!! Hello Dahlia Amèlie”
“So cute!! Little Erwanne!””Cutiee Little Anne”

Credit: Anne Curtis instagram

Nitong October 2 lang ay ipinagdiwang nina Anne at Erwan ang pagtungtong ni Baby Dahlia Amèlie ng ikapitong buwang gulang.Sa Instagram ay ibinahagi ni Anne ang larawan ni Baby Dahlia Amèlie katabi ng inihanda niyang Dahlia flowers.

Credit: Anne Curtis instagram

Caption ni Anne sa IG post, “7 months of melting my heart every single day with that lovely smile + superGIGIL. I love you my dahling Dahlia Amèlie.”Samantala, nasa Melbourne Australia pa rin sina Anne at Erwan kasama ang pamilya ni Anne simula December noong nakaraang taon.

Credit: Anne Curtis instagram

The post Tingnan ang cute photo ng anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Baby Dahlia na suot ang kanyang ‘sunnies’ appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments