Bilang pasasalamat ay nakatanggap ang isang pinay OFW ng kahon na puno ng pera mula sa amo na isang sikat na YouTuber

Napakasarap sa pakiramdam ang makatanggap ng papuri at pasasalamat mula sa amo para sa mga trabahong pinagpaguran at pinaghirapan. Isang malaki nang bonus kung ang paraan ng amo ng pasasalamat ay sa pamamagitan ng pagbigay ng regalo sa kanyang empleyado.

Credit: Supercar Blondie YouTube        

Ganyan kaswerte ang 50 year-old Pinay Overseas Filipino Worker (OFW) na si Avelina. Si Avelina ay higit dalawang taon nang naninilbihan sa kanyang amo na isang sikat na YouTube vlogger na si Alex Hirschi o kilala din bilang si Supercar Blondie. Kasalukuyang nakabase ang amo ni Avelina sa Dubai, United Arab Emirates.

Credit: @supercarblondie Instagram

Para surpresahin ni Alex si Avelina ay nagkunwari ito at ang kanyang ibang empleyado na magkakaroon ng interview para sa isang documentary. Ang hindi alam ni Avelina ay hinahanda na ang surpresang regalo sa kanya ng kanyang amo.

Sa umpisa ng video ay ipinakita ni Alex na sinisilid ang napakaraming pera sa loob ng isang box.

Credit: Supercar Blondie YouTube

“Look at this guys, this is an entire college fund for a very special employee of mine.”

Sinabi ni Alex na napaka-espesyal para sa kanya si Avelina dahil sa kanyang dedikasyon at sipag sa pagsisilbi sa kanya at sa buong Supercar Blondie team.

Hanga si Alex kay Avelina dahil siya umano ang gumagawa ng halos lahat ng mga trabaho para sa kanya at sa buong team. Parte daw ng ginagawa ni Avelina ay ang paglilinis ng opisina, trabahong pang-administratibo, pagluluto, at pati na rin ang pag-alaga sa mga aso.

Credit: Supercar Blondie YouTube

Sa kalagitnaan ng video ay maririnig ang mga papuri ng iba pang mga kasamahan ni Avelina sa trabaho hindi lamang dahil sa kanyang sipag kundi pati na rin sa kanyang masayahing personalidad.

“Avelina does not stop working. She’s a machine. She deserves every bit of this surprise.”

“She’s always happy to see us. She’s always got a beautiful smile and she’s just so welcoming.”

Credit: Supercar Blondie YouTube

Habang ginagawa ang kunwaring interview kay Avelina ay lumapit si Alex sa kanya na may dalang bouquet ng bulaklak at box na pinaglagyan ng pera.

Credit: Supercar Blondie YouTube

Nang iabot ni Alex ang box at buksan ito ni Avelina ay nagulat ito sa nakitang pagkarami-raming pera. Nagbiro pa si Avelina at sinabing, “I am a millionaire, Sir?”

Credit: Supercar Blondie YouTube

Pabiro ding tinanong ni Avelina kung pinapauwi na ba siya ni Alex sa Pilipinas. Agad namang sinabi ni Alex na babawiin niya ang pera kung iiwan siya ni Avelina.

Credit: Supercar Blondie YouTube

“If you leave me, I’m taking this (money) back!”

Credit: Supercar Blondie YouTube

Sa huli ay nagpasalamat si Alex sa sakripisyo at kontribusyon ni Avelina para sa kanya at sa buong Supercar Blondie team.

Credit: Supercar Blondie YouTube

“We appreciate so much that you’ve had to leave your family behind and work with us in order to earn money and take it back to your family so we just wanted to help you out a little bit.”

The post Bilang pasasalamat ay nakatanggap ang isang pinay OFW ng kahon na puno ng pera mula sa amo na isang sikat na YouTuber appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments