Tignan ang ngiting tagumpay ni Baby Summer nang masunod na makapanood ng cartoons kesa sa gustong panoorin ng amang si Paolo Contis

Isang nakakatawang larawan ang ipinost ni comedian-actor Paolo Contis sa Instagram nitong October 1 sa kasagsagaan ng Game 1 ng NBA Finals.

Credit: Paolo Contis Instagram 

Sa litrato, makikita si Paolo na mukhang ‘naiinip’ at ‘malungkot’ habang ang anak na si Summer ay may isang ngiti ng tagumpay sa kanyang mukha.

Ayon sa caption ng IG post ni Paolo, unang araw daw ng inaabangang finals ng NBA ay hindi niya magawang tutukan dahil gusto umanong manuod ng kanyang anak ng paborito nitong Disney film na “Frozen”.

Credit: Paolo Contis Instagram

Sa halip na ang mainit na paghaharap ng Miami Heat at Los Angeles Lakers ang pinapanood ni Paolo, ay natengga ito sa kwento ni ‘Elsa the Snow Queen’ sa nasabing Disney film.

 

View this post on Instagram

 

Game 1 ng NBA Finals..!! 🏀🏆 pero FROZEN ang pinapanood koooo!!! 😳😳😳

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Nagkomento naman ang partner ni Paolo at nanay ni Baby Summer na si Kapuso actress LJ Reyes. Ani LJ, masaya raw siya dahil may mang-aasar na raw kay Paolo sa katauhan ng kanyang anak.

Saad ni LJ, “May bul|y na sayo and you can’t even do anything about it!!! I’m so happyyyy! [with laughing emoji] and by the way that’s her ana dress daw”

Credit: Paolo Contis Instagram

Reaksyon ni Paolo sa komento ni LJ, “@lj_reyes [with laughing emojis] 3 na kayong bul|y dito! Haha joke!”

Aliw na aliw naman ang netizens sa mag-amang Paolo at Summer. Anila, napaka-sweet daw ni Paolo bilang ama dahil pinagbibigyan nito ang anak na mag-enjoy sa mga gusto nitong palabas. Dagdag pa ng netizens, normal lang daw sa isang magulang na maranasan na hindi mapanuod ang gusto sa telebisyon dahil sa mga batang anak. Komento ng netizens:

Credit: Paolo Contis Instagram

“My most favorite father-duaghter tandem. Hangkyut!”

“kaya pala nafrozen look ka din”

“Cute ni summer…Well…This made my day..Tiis lang paolo, ang ng bebe girl..Gnyan tlga..”

“1-0 summer wins! ang cuteeeee”

Credit: Paolo Contis Instagram

“Adorable father and daughter relationship”

“ngiting tagumppay si Summer ang cute na bata”

Kilalang hands-on at malambing talaga si Paolo sa kanyang mga anak lalo na sa bunso nitong si Summer.

Sa iba pang mga post ng komedyante ay kapansin-pansin talaga ang kakaibang bonding ng mag-ama. Sa isang hiwalay na Instagram post, ay makikita si Paolo na niyayakap at kinukulit ng mga anak niya.

Credit: Paolo Contis Instagram

Sa caption ay inamin ni Paolo na hindi niya alintana ang kakulitan ng mga anak kahit pa nasa kalagitnaan siya ng panonood ng paboritong basketball game.

Caption ni Paolo sa post, “Gusto ko lang naman manood ng NBA ng tahimik at matiwasay! Pwede ba?? Hindi.!!! [with laughing emoji] but i don’t mind”

Si Kapuso actor-comedian Paolo Contis ay unang napanood sa youth-oriented TV show ng ABS-CBN network na “Ang TV”. Sa ngayon, ay isang talent ng GMA network si Paolo.

The post Tignan ang ngiting tagumpay ni Baby Summer nang masunod na makapanood ng cartoons kesa sa gustong panoorin ng amang si Paolo Contis appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments