Drew Arellano, ibinahagi ang pagkukulitan nila ng mga anak habang nag-uulat si Iya Villania sa “24 Oras”

Maituturing na isang challenging role ang pagiging magulang. Araw-araw ay may kinakaharap na pagsubok ang bawat ama at ina lalo na sa pagpapalaki at pag-aalaga ng kanilang mga anak.Ngunit kung may isang bagay na dapat ipagpasalamat sa mga oras na ito, ito ay ang pagkakaroon ng mas maraming oras ng mga magulang para maalagaan at matutukan ang paglaki ng kanilang mga anak.

Credit: Drew Arellano instagram

Isa nga sa mga sinusulit ang kanyang oras na kasama ang kanyang mga anak si TV host Drew Arellano.Dahil naka-work from home set up muna ay mas nagkaroon ng maraming oras ngayong panahon ng qu@rantine si Drew para maka-bonding at maalagaan ang tatlong anak nila ni TV host-actress Iya Villania.

Credit: Drew Arellano instagram

Kamakailan lamang ay nag-post sa Instagram si Drew ng ilang larawan kung saan makikita siya na nakikipagkulitan sa mga anak.Makikita sa mga larawan na karga-karga ni Drew ang 2 buwang gulang nilang anak ni Iya na si Baby Alana. Sa gilid naman niya ay ang dalawang lalaking anak na sina Primo at Leon.

Credit: Drew Arellano instagram

Ayon sa caption ng kanyang IG post, nasa kalagitnaan umano ng pag-uulat si Iya sa Chika Minute ng GMA news program na “24 Oras” kaya’t siya na muna ang nagbabantay sa tatlong anak.Ikwenento rin ni Drew sa caption na buong araw daw na nagkakagulo sa kanilang sala dahil sa kakulitan ng kanyang mga anak.

Credit: Drew Arellano instagram

Ani Drew sa caption ng IG post, “While Mama is live for 24 oras, kagulo sa sala 24 oras din!”
Gayunpaman, kahit nakukulitan sa mga anak ay kapansin-pansin sa mga larawan ang kasiyahan ni Drew.Dahil dito, maraming netizen ang humanga at pinuri si Drew dahil sa pagiging hands-on at kakaibang dedikasyon nito sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Credit: Drew Arellano instagram

Komento ng netizens:
“Dis@ster din kau jan na 4 dadey drew busy lang ang mamey, super bantay ka muna”
“Happy si Papa Drew with 3 little kids””What a gread dad!!!””Wow… Sarap maging daddy”
“One happy father, love, love, love””What a beautiful family with their loving Daddy God bless”

Credit: Drew Arellano instagram

The post Drew Arellano, ibinahagi ang pagkukulitan nila ng mga anak habang nag-uulat si Iya Villania sa “24 Oras” appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments