Mula sa kanyang hindi mabilang na koleksyon ng mamahaling at mga bihirang piraso ng sapatos, muli na namang pinahanga ni “It’s Showtime” host Vhong Navarro ang mga netizens nang ipinakita niya ang kanyang koleksyon ng authentic at original Bear Brick toy.
Kamakailan ay ibinahagi ni Vhong ang part 2 ng kanyang house-tour vlog kung saan ay ipinasilip niya ang koleksyon niya ng Bearbrick toy. Ayon kay Vhong, ang ilan sa mga koleksyon niya ay mahirap na raw makita sa panahon ngayon.
Ang Bearbrick ay isang collectible toy na dinesenyo at ginawa ng isang Japanese toy company na MediCom Toy Incorporated.
Kung titingnan ang halaga ng isang bearbrick toy sa internet, ay ang pinakamahal na klase nito ay maaaring umabot ng higit sa P100,000 ang halaga depende sa uri at desenyo.
Ilan sa mga Bearbrick toy na pagmamay-ari ni Vhong ay mga sikat na karakter mula sa iba’t ibang pelikula at TV shows. Kabilang dito ang koleksyon niya ng Bearbrick toy mula sa Batman, The Muppet Show at The Simpsons.
Mapapanood din sa vlog ang pag-unbox ni Vhong ng mga bagong dagdag sa kanyang koleksyon na halos mga rare Bearbrick toy din. Kasama sa binuksan ni Vhong ang kanyang Pikachu, Joker at Winnie The Pooh Bearbrick toy na inilabas pa noong 2002.
Nang tanungin si Vhong kung nilalaro ba niya ang kanyang mga laruan, ito ang kanyang naging sagot, “Hindi ko nilalaro ang mga ‘yan.’Yan ay mga koleksyon ko lang…display.”
Taong 2017 pa nang simulan ni Vhong ang pangongolekta ng Bearbrick toy. Matatandaang noong August 17, 2018 ay naitampok sa “Rated K” ang koleksyon ng Bearbrick toy ni Vhong na umabot sa mahigit 100 piraso.
Sa show ay ibinahagi ni Vhong ang dahilan kung bakit siya nahilig sa pangongolekta ng Bearbrick toy.
Kwento ni Vhong, “Yung dad ko nung nabubuhay pa nasa ICU. Sobrang bigat nung pakiramdam ko. Hindi ako pumapasok sa ‘showtime’…Parang naghahanap ako ng outlet para sumaya kasi kahit saan ako pumunta talagang hindi ko maalis sa isipan ko ‘yung daddy ko na nasa ICU hanggang sa naalala ko siya…iyong bearbrick.”
Dagdag ni Vhong, “Ang tuwa ko kapag bumibili ako kasi parang nalilimutan ko panandalian ‘yong problema ko. Hanggang sa hindi ko napapansin dumadami na.”
Samantala, sa vlog ay ipinakita rin ni Vhong ang ilan sa posters na nagsisilbing memorabilia ng mga pinagbidahan niyang TV show at pelikula.
Bukod dito, ipinakita rin ni Vhong ang album ng mga sumikat niyang song-dance hits kagaya ng “Pamela” at “Totoy Bibo”.
Sinimulan ni Vhong ang kanyang YouTube channel February ngayong taon. Sa ngayon, mayroon ng 1.37 million subscribers si Vhong.
The post Vhong Navarro, ibinida ang kanyang Bearbrick toy collection na lagpas 100 piraso na appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments