Maagang ipinagdiwang ni Sarah Lahbati ang kanyang ika-27 taong kaarawan sa Balesin Island Club sa Quezon.
Sobrang nag-enjoy ang actress-model base na rin sa mga larawang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.
Lumipad papuntang Balesin island si Sarah kasama ang kanyang asawang si Richard Gutierrez at mga anak na sina Zion at Kai.
Sa isang serye ng mga larawan na ibinahagi ni Sarah sa kanyang Instagram, makikita siya na napakasaya kasama sina Richard, Zion at Kai.
Caption ni Sarah sa kanyang IG post, “Early birthday celebration with this sweet bunch. Thank you, achi @chemistpinkytobiano, kuya @robles.juancho and @piannesinfuego”
Ginanap ang italian birthday party sa isang luxury resort sa Balesin. Ilang malalapit na pamilya at mga kaibigan din ang dumalo sa kanyang birthday celebration. Kabilang dito ang mga kapatid ni Richard na sina Raymond Gutierrez at Elvis Gutierrez.
Sa isang larawan, kapansin-pansin ang matamis na tinginan ng newly-wed couple. Sa isang hiwalay na post, ay makikita sina Sarah at Richard na sweet na sweet sa isa’t isa. Makikita sa larawan na nakaupo si Richard habang kandong ang kanyang misis.
Aminado naman si Sarah na kahit hindi pa niya kaarawan ay sobrang pagmamahal na ang ipinaparamdam sa kanya ni Richard.
Ani Sarah sa caption ng post, “It’s not even my birthday yet and I feel so loved”
Maliban sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, ay nanatili pa sa isla sina Sarah at Richard para magbakasyon.
Isang weekend getaway ang nangyari kasama ang kanilang mga anak na sina Zion at Kai. Larawan ng isang masayang pamilya ang pamilya nina Sarah at Richard. Nag-swimming at nag-horseback riding si Sarah kasama ang pamilya.
Sa Instagram ni Richard ay nagbahagi siya ng ilang larawan nilang magpamilya. Ayon sa caption ng kanyang niyang IG post, nagpapasalamat siya dahil nagkaroon sila ng pagkakataong magbakasyon.
Ani Richard, “Thankful for this weekend getaway”
Sa isa pang hiwalay na IG post, ay makikita sina Richard at Sarah kasama ang dalawang anak na nagbo-bonding sa tabing dagat.
Caption ni Richard sa IG post, “Family time”
Samantala, sa October 9 pa ang eksaktong petsa ng kaarawan ni Sarah. Gayunpaman, marami na ang nagpaabot ng kanilang birthday message para kay Sarah. Komento ng netizens:
“advance happy birthday to the loveliest woman I know”
“advance happy birthday to the prettiest woman i know, love you so much”
“Gandang lahi naman talaga…happy birthday georgeous”
“Happy Birthday Queen!!! I love seeing you and your family always here in IG. God bless your sweet soul”
Si Sarah ay ikinasal kay Richard noong Marso sa isang intimate wedding. Hindi natuloy ang sana’y magarbo at star-studded na kasal ng mag-asawa dahil sa banta ng c0v!d.
Nitong August 2 lang ay lumipad papuntang Batangas ang celebrity couple para sa kanilang honeymoon.
The post Sarah Lahbati, maagang ipinagdiwang ang kanyang 27th birthday kasama ang pamilya sa isang exclusive island resort appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments