Ito ang naging mensahe ng Kapamilya singer na si Janine Berdin tungkol sa trending ngayon na malaking pagbabago sa kanyang itsura

Mainit na pinag-usapan sa social media ang ‘glow-up transformation’ ni “Tawag ng Tanghalan” Year 2 Grand Champion Janine Berdin.

Credit: JANINE BERDIN Instagram        

Nitong Martes, October 6 nag-trending si Janine dahil sa mga larawang ipinost sa Facebook ni Mary Letim Ponce ng ML Salon and Spa kung saan ipinagawa ni Janine ang kanyang buhok.

Credit: ML Salon and Spa Facebook

Makikita sa mga larawan ang napakagandang purple-ash hair ni Janine. Ngunit maliban sa bagong hair color, ay nakaagaw pansin din sa netizens ang malaking pagbabago sa itsura ni Janine. Mas pinatingkad ng kanyang purple-ash hair ang mas clear at maputi skin complexion ngayon ni Janine.

Maraming larawan ni Janine ang lumabas kung saan ay kinumkumpara ang itsura niya ngayon kaysa dati. Hindi maitatago na malaki nga ang naging pagbabago sa itsura ng singer.

Credit: ML Salon and Spa Facebook

Kahit maraming espekulasyon ang kumalat na dumaan sa beauty enhancement procedure si Janine, bumaha naman ang papuri at suporta ng netizens para sa pagbabago ng kanyang imahen. Komento ng netizens:

Credit: ML Salon and Spa Facebook

“Take time to appreciate Janine Berdin’s new look grabe yung glow up both pics are pretty.”

“D@mmmmnnnl!! Janine Berdin looks good with her transformation”

“Look the transformation of Janine Berdin she’s so gorgeous”

Credit: ML Salon and Spa Facebook

“Still can’t get over on Janine Berdin’s New look”

Samantala, maraming netizen ang dinepensahan si Janine mula sa mga nambabatikos sa kanyang pagbabago. Depensa ng netizens:

“lmao yung mga nag babash kay janine berdin for having her nose fixed are people who can’t afford it, but also has the same insecurity. she’s pretty even before it”

Credit: JANINE BERDIN Instagram

“So what if nagparetoke si Janine Berdin. That makes her feel good and feel better, kanya kanya pls.”

“stop hating on Janine Berdin for choosing to enhance certain parts of her body. HER BODY HER MONEY HER CHOICE”

Credit: ML Salon and Spa Facebook

May mensahe naman si Janine para sa lahat nang nambabatikos sa kanya. Sa online show ni Darla Sauler na “Catch-Up” nitong Martes, inamin ni Janine na naging ‘blooming’ siya dahil hindi siya natatakot na magbago. Hiling naman ni Janine, na sana ay hindi rin matakot ang iba na magbago para sa ikakasaya nila. Aniya, isang beses lang daw kasi tayong mabubuhay kaya’t bakit hindi natin gawin ang isang bagay na makakapagpasaya sa atin.

Credit: JANINE BERDIN Instagram

“Naging blooming po ako kasi hindi ako natakot mag-change. I think that’s everyone should keep in mind na we shouldn’t be afraid of change. Na-pwede rin tayong mag-change. If there’s something you don’t like about yourself and you’re not happy about it then you can do something to make yourself happy.”

Dagdag ni Janine, “Let us not condemn change. Kung may gustong mag-change, ipa-change mo sila basta masaya sila.”

Credit: JANINE BERDIN Instagram

Si Janine ay itinanghal bilang Grand Champion ng segment show ng “It’s Showtime” na “Tawag ng Tanghalan” noong 2018.

The post Ito ang naging mensahe ng Kapamilya singer na si Janine Berdin tungkol sa trending ngayon na malaking pagbabago sa kanyang itsura appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments