Pinasok na rin ng dating aktres na si Nadine Samonte ang pagbebenta ng mga dried fish o tuyo ngayong panahon ng p@ndemya.Ito ang inanunsyo ni Nadine sa kanyang Instagram noong September 10.Nagbahagi si Nadine ng ilang mga larawan ng ibinebenta niyang mga tuyo.
Sa caption, proud na ikwenento ni Nadine kung bakit niya napagdesisyunang magbenta ng tuyo.Ayon sa aktres, napili niyang magbenta ng mga tuyo dahil nasarapan daw siya ng matikman niya ang mga ito.Ikwenento pa ng aktres na matagal na raw siyang bumibili ng tuyo kagaya ng danggit at dilis dahil paborito raw itong kainin ng kanyang panganay na si Heather.
Ani ni Nadine sa caption ng kanyang IG post, “Yes we sell dried fishes na din. You know why? Nung nakatikim ako nito super sarap y? Actually matagal nko bumibili nyan and lagi kami mer0n dito sa house kasi fav din ni heather ang danggit and dilis.”Ipinagmalalaki ni Nadine na masasarap at sariwa ang kanyang mga ibinebentang tuyo dahil galing pa raw ang mga ito sa probinsya ng Masbate.
Unsalted o walang asin na ginamit sa pagpapatuyo ng mga tuyong ibinebenta ni Nadine kaya sobrang malinamnam daw ng mga ito.Aniya, “Etong mga dried fishes na to are fresh from Masbate tapos unsalted lahat kaya masarap.”
Sa katunayan, sold out agad o naubos agad ang mga bentang tuyo ni Nadine.Kwento ni Nadine, “We sell by batches etong mga andto ngyn lahat sold out na po. We will post next batch availability and prices.”Maliban sa danggit at dilis ay nagbebenta rin si Nadine ng sweet pusit, Palad Flakes, big dilis boneless and small dilis.
Ani Nadine, “ We have Danggit, sweet Pusit, Palad Flakes, Big dilis boneless and Small dilis lahat hindi maalat and fresh from Masbate pa tlga kaya malinamnam hehe.”
Samantala, hindi nahihiya si Nadine na magbenta ng tuyo. Para kay Nadine, kailangan maging madiskarte sa panahon ngayon. Dagdag niya, hindi rin siya nahihiya dahil masasarap naman daw ang ibinebenta niya.
Ani Nadine, “Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngyn kelngn natin maging madiskarte and hindi nakakahiya kasi masarap tga”May bagong bansag naman ang asawa ni Nadine na si Richard Chua para sa kanya ngayong nagbebenta siya ng mga tuyo.
Kwento ni Nadine, “Ang sabi ng asawa ko the new D&D queen daw ako ng south hahaha meaning? Danggit and Dilis hahaha”Si Nadine ay kilala ng lahat bilang hands-on at madiskarteng asawa’t ina.
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media si Nadine dahil sa mga larawan nito kung saan ay siya mismo ang gumagawa ng mga gawing bahay kagaya ng paglalaba, paglilinis ng kanilang sasakyan pati pagtatanim ng iba’t ibang gulay sa kanilang bakuran.
The post Nadine Samonte, hindi ikinakahiya ang pagbebenta ng tuyo para kumita ng ekstrang pera ngayong may p@ndemya appeared first on Trend Star.
Source: Trend Star
0 Comments