Sarah Geronimo, ibinunyag na ngayon lamang niya nasubukang hawakan ang sariling pera

Isa ang pagtanda o pagpasok natin sa mundo ng ‘adulting’ sa mga bagay na hindi natin matatakasan. Madalas nangangahulugan ito ng pagkakaroon natin ng mga bagong responsibilidad na kailangan nating gampanan. Isa na rito ang paghawak natin ng sarili nating pera.

Credit: Sarah Geronimo Instagram    

Kagaya na lamang ni Kapamilya singer Sarah Geronimo na ibinunyag kamakailan lamang na ngayon niya lang naranasan na pamahalaan ang kanyang sariling pera. Simula kasi nang maikasal kay TV actor Matteo Guidicelli, ay unti-unti nang natutunan ni Sarah paano hawakan ang kanyang perang kinikita mula sa pag-aartista.

Ayon din kay Sarah, mas napabilis daw ang kanyang pagtanda o pagtungtong sa adulting stage dahil sa dami ng mga responsibilidad na kaakibat ng kanyang pag-aasawa.

Kwento ni Sarah sa isang live interview para sa isang insurance company, “To be honest, na-expedite ‘yung adulting ko. Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances, how to budget, how to invest.”

Credit: Sarah Geronimo Instagram

Ikwenento rin ni Sarah na kaya niya hindi naranasan na hawakan noon ang kanyang pera ay dahil ang kanyang nanay na si Divine Geronimo ang namamahala ng mga ito para sa kanya.

Ibinahagi rin ni Sarah kung gaano ka-hands on ang kanyang ina. Ito raw kasi ang nag-aasikaso ng lahat para sa kanya noong wala pa siyang asawa.

Ani Sarah, “Ang mama ko po talaga kung kaya niya gawin lahat, gagawin niya para sa mga anak niya, para lang hindi maistorbo ang mga anak niya. Ganun siya ka-loving sa mga anak niya, so ngayon natututunan ko na lahat, with help of my husband.”

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Inihayag din ni Sarah na lumaki siya na palaging nasa tabi ang kanyang mga magulang. Dahil dito, aminado si Sarah na lumaki siya na nakadepende sa mga ito.

Aniya, “I grew up na very dependent talaga sa aking parents, kasi talagang grabe naman talaga mag-alaga ang aking mama and daddy.”

Credit: Sarah Geronimo Instagram

Kaya naman ngayon na may asawa na siya, hindi na raw uubra na umasa pa siya sa kanyang mga magulang.

Sambit ni Sarah, “I keep reminding myself now na hindi na ako single. I have to accept na hindi na ako single.”

Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Kasunod ng kanyang pag-aasawa ay nagbago na rin umano ang kanyang prayoridad sa buhay. Tanggap din umano niya na ngayon ay ang kanyang asawa na at ang pamilyang kanilang bubuin sa hinaharap ang magiging prayoridad niya sa buhay.

Saad ni Sarah, “Iba na ang priority ko sa buhay, my priority now is my husband kasi yun ang reality ng buhay ng pag-aasawa, na ang priority na is your husband and the family that you will be building with your husband.”

Credit: Sarah Geronimo Instagram

Si Sarah at Matteo ay ikinasal February ngayon taon sa isang Christian wedding na ginanap sa Victory Church kung saan ay pareho silang miyembro.

The post Sarah Geronimo, ibinunyag na ngayon lamang niya nasubukang hawakan ang sariling pera appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments