Throwback picture ni Alessandra de Rossi kasama ang kapatid na si Assunta, kinaaliwan ng netizens

Nakilala ng lahat ang magkapatid na sina Assunta at Alessandra de Rossi dahil sa kanilang husay sa pag-arte. Maliban dito ay isa rin sila sa mga celebrity sibling na talaga namang kakaiba ang closeness sa isa’t isa.

Credit: Alessandra De Rossi instagram

Sa katunayan, ay marami ang natutuwa sa closeness ng magkapatid lalo na’t madalas nila itong ipakita sa kanilang mga social media account.

Credit: Alessandra De Rossi instagram

Simula mga bata pa lang ay malapit na talaga sa isa’t isa sina Assunta at Alessandra.Sa kanilang social media accounts ay madalas silang magbahagi ng kanilang mga cute throwback baby picture.

Credit: Alessandra De Rossi instagram

Kahit hindi madalas magkita ay kapansin-pansin sa kanilang mga social media post kung gaano nila nami-miss at kamahal ang isa’t isa.Kamakailan lamang ay nag-post si Alessandra sa Instagram ng isang throwback picture nila ng kanyang ate Assunta.

Credit: Alessandra De Rossi instagram

Sa larawan ay makikita ang pilyang ngiti ni Alessandra habang nakahilig sa kanyang ate Assunta.
Kapansin-pansin din na bata pa lamang ay maganda na talaga ang magkapatid.
Sa caption ng kanyang Instagram post, ay naging madamdamin naman si Alessandra lalo na’t malapit nang maging isang ganap na ina ang kanyang ate Assunta.

Credit: Alessandra De Rossi instagram

Ani Alessandra, “Ngiting aso at ngiting walang ngipin. Malapit ka na manganak @assuntadelesma dati baby lang tayo.”

Credit: Alessandra De Rossi instagram

Nagbiro rin si Alessandra na siya raw panigurado ang magiging kamukha ng anak ni Assunta.
Aniya, “Im sure, ako kamukha. Cute naman ano? Wag lang kamukha ni @ermatsko #then0toriousderossisisters”

Credit: Alessandra De Rossi instagram

Kagaya ni Alessandra ay likas din na mapagbiro ang kanilang ina.
Sa comment section ng Instagram post ni Alessandra, ay nag-iwan ang kanilang ina ng isang nakakatawang komento.

Ani ng kanilang ina, “Bago pa lang nagkakangipin, gusto na agad mangagat…hay ang mga aso nga naman…Basta kamukha kita, period!Aliw na aliw naman ang netizens sa cute throwback picture ng magkapatid.

Credit: Alessandra De Rossi instagram

Komento ng netizens:”Cuteness overload ❤❤❤””Ang cute nyo po mag ate😍😍😘””Awww cute babies!””Beauties in their own way. Naughty and nice.””Throwback tlga…Pero its nice to look back esp. kung ung pic me happy memories.”Samantala, ngayong buwan na nakatakdang ipanganak ni Assunta ang unang anak nila ng kanyang asawang si Jules Ledesma.

Credit: Alessandra De Rossi instagram

The post Throwback picture ni Alessandra de Rossi kasama ang kapatid na si Assunta, kinaaliwan ng netizens appeared first on Trend Star.


Source: Trend Star

Post a Comment

0 Comments